Open all handouts. Pwede ang index card na may formulas at conversion tables. Lahat na ng kadayaan ay allowed maliban sa pagtanong sa katabi. Ang dali dali na dapat ng exam. Dapat perfect ka na. Ang ChE 31 ang pinakamadali kong major ever since. Tas kung perfect attendance eh 1 step up. That is, babawasan ng 0.25 sa classcard. Malas ko nga lang at meron na akong isa.
At I can state with enough certainty na ako lang ang may absent sa klase. Nakakainis! Tas edi ang dali ng exam kanina. 30 minutes tapos na ako. Eh ba naman, dalawang tanong lang tas yung isa eh binigay pa sa problem set (pero di ko sinagutan yung prob set). Tapos nakita ko sila nakakunot parin ang noo. Tas nakita ko si Ashley may dinadrawing sa graphing paper. Oo nga, baka kailangan. Edi nagdrawing din ako ng graph. Tas ayun, OK. Kaso di parin sila tapos. Malinaw naman yung tanong.
Ayun, si Ashley nasa ikalawang yellow pad na. Yung katabi ko rin. Si Kenneth asa likod na ng second yellow pad niya. Si Romer asa 3rd na ata niyang graphing paper. Ako isang yellow pad lang, halos di pa mapuno yung likod. Tas yung graph ko eh nagkasya naman sa isang graphing paper lang. Edi tiningnan ko ulit yung tanong, wala namang weird. Wala ring nakasulat sa likod ng questionnaire. Yung tanong eh eksaktong asa handout. Baka malaki lang talaga sulat nila. Sa sobrang laki eh nakailang papel sila. Nagbulong si Ashley, "ang haba."
Nagovertime ang klase. Wala pa ring tapos. Ako lang. Pero di pa ako nagpapasa kasi baka mag-"woah!" sila pag nakita nila akong nagpasa. Tas nung marami nang tapos, nagpasa na rin ako. Pero marami parin ang di tapos. Ewan ko dun.
Asa jeep na ako papuntang Philcoa nang marealize ko na may "by graphical method" na sinabi sa problem. Pero di parin yun tama para mabagabag ako ng husto. Ayun, nasa Shopping Center na ako nang marealize ko yun. At paglingon ko, ako nalang tao sa jeep. Iniwan nila ako. Iniwan ako ng mundo! Bakit parang ang dami kong di alam pero parang sigurado naman ako. I'm such a loner loser. Hanggang sa Philcoa mula SC eh magisa nalang ako sa jeep. Di na nagsakay si Manong ng iba (kasi wala namang nag-aabang). Tapos malakas siyang nagpatugtog ng radio: "For no reason why, I can't cry hard enough. Oh, can't cry hard enough. For you to hear me now."
Waaaa. Sobrang nakakahiya kapag bagsak ako dun! Tas ako lang ang bagsak! Sana malaki lang talaga sulat ng buong klase.
Sana Malaki Ang Sulat Nila
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment