Conversation ng nagshashampoo sakin at ng katabi niyang nangshashampoo rin kagabi sa Katipunan:
Shampoo nung isa (babae): College graduate ka?
Shampoo ko (lalake): Hindi. 3rd yr lang.
SNI: Oh. Anong course?
SK: Electrical Engineering.
SNI: Ohh. Saan?
SK: Sa UE.
SNI: Ah. Sayang. Parang si [insert name ng katrabaho nila] rin.
SK: Bakit, ano bang course niya?
SNI: Pero yun, natapos niya ata. Chemical Engineering.
Natatakot ako. Ayoko mag-end up sa isang trabahong ganun kahit Fix pa yun. Ayokong mag-end up sa Call Center. May nagaalok nga sakin nun as side-line sa summer eh. Ayoko! Natatakot akong pumasok sa Call Centers! Hahahaha. Kokontakin ko nalang si Caloi para sa Ahead kahit na taga-check lang ako ng test papers dun at walang libreng internet. Ayoko mag-end up as Cashier ng Papemelroti o kahit outlet ng Prada sa Greenbelt. Ayoko magtrabaho ng isang trabaho na walang koneksyon sa course ko. Gusto ko tagapirma ako ng gasoline analysis o kaya quality control ng Coke o ng Unilever. Gusto ko rin eh sila ang magaalok sakin ng trabaho. Ibibid nila ako. Pataasan ng initial offer.
Pero pwede na rin kung mag-alok sakin as model ng Guess. Which is probable naman. Hay. Hahaha. Magcocountry-hopping ako sa Europe kasi kailangan ako nila ganito ganyan (tanungin niyo nalang si Hannah, wala akong masyadong kilala) para sa kanilang Summer at Winter collection. Maglalakad ako sa runways sa Vienna, Paris, New York, London. Ay ayoko na rin. So extremely metrosexual it hurts.
Kailangan pa palang hilain ng nagshampoo sakin yung balikat ko pahiga kasi nakatitig ako sa Havaianas ng katabi ko (lalaki yun ah). First time kong magustuhan yun kahit na madalas ko pang laiitin kasi sobrang mahal para sa ganun lang. Kulay gray yung pad at blue yung strap at sobrang nipis. Shish, ayokong maging magastos for such things. Sana di na dumating ang stipend. Natatakot ako.
8 comments:
hey leo! iba ka, ikaw ay isang isko. hehe. :p
at grabe ka naman, nag aral ka pa tapos okay lang sayo maging guess model...on second thought, okay nga un. HAHA. :D
I'm sure makakapag-country hopping ka dahil sa trabaho mo. Hahaha. So I hit two birds with one stone sa statement na 'yun. I-gets mo na lang. :))
leo, model ng guess?!
hehehe. (wala na kong masabi)
basta hindi ka magagaya dun! asus naman, believe!
hair colorist sa salon de manila, ayaw mo? may chemical mixing din naman dun ah. mwehehehe....
nyahahahaha.
Kaya nga sinabi rin nung nagshampoo sakin na "Oo nga noh. May kinalaman din yung course niya sa kanya. Hehehe." Pero kahit na! Ayokong maging next Ricky Reyes. KADIRI. Hehe. Ansama ko.
Kahit kasi taga-UP eh mahirap parin maghanap. Sana matulad ako kay sa tatay ni Joy na dati Oman, ngayon Russia. Ang galing!
Oy, Anali, kay ba yang si anonymous?
Hindi.. ako si Anonymous. Tawagin mo akong Anonymous Che... Ayaw mo kay Ricky Reyes? Eh si Jun Encarnacion, ayaw mo pa rin? O sya, James Cooper na lang para mas sosyal... mwehehehe...
leo grabe, am-bryanboy ng entry mong to. so vain. so selfish. hahaha
Post a Comment