Puta.
1. Di ka ba mapapamura kung ngayon mo lang malaman na 122 items, I repeat: 122!, pala ang homework mo sa Physics na ngayon mo lang narecieve kasi tanga ka at kailan ka lang nag-enroll sa UVLE at ang nakakaiyak na homework ay bukas na pala ipapasa?
2. At kung bakit tanga ata ang Prof mo sa Chem Engg o baka ikaw lang ang tanga kasi di mo madownload ang inupload niyang problem set na bukas na rin ipapasa. At wala kang handout o libro man lang para maging reference sa pagsagot ng problem set na di mo pa rin nakikita.
3. Kung bakit kasi ang tamad mo at hanggang ngayon eh di mo parin tapos ang RDR mo sa Chem lab at bakit kasi ang bobo mo at di mo alam ang sagot. Eh bakit naman kasi ang haba. Sa sobrang haba eh nakakalula at nakakatamad simulan ang calculations.
4. Mataranta ka na rin kasi may quiz bukas sa Chem lec. Hehe. At sa bawat tanong sa book na sinagot mo eh mali kasi hindi pareho sa sagot sa likod ng libro. Tanga siguro yung libro.
Sana may extension ang Christmas Break! Postpone muna ang pagbalik sa classes! Huhu. At ngayon, bakit ka pa nagpopost sa blog?
== Bading si Yukito?! Yung love interest ni Sakura sa Cardcaptor Sakura na kulay gray ang buhok at sobrang puti at may salamin. At di lang yun, may gusto pala siya kay Toya, yung kuya ni Sakura. At sa ending, sort of, tinanggap ni Toya si Yukito na ganun siya. Well, di naman stated na naging sila. Nanood uli ako sa Youtube at ang dami nga nilang mushy scenes. Ahay, kinikilig pa naman ako sa kanila ni Sakura. At di bading si Li Syaoran. May konting complications lang sa character niya kaya mukha siyang may gusto kay Yukito. Sa Wikipedia ko pa nalaman yung ending. Akala ko wholesome ang cartoon na yun. Tapos kinokontra ng religious groups ang Spongebob Squarepants kasi it depicts homosexuality daw. Hala!
Hehehe. Para akong anime geek na alam ang nangyari sa 123th episode ng isang napakaabsurd na cartoon.
Christmas Break Extension
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
I HATE DEADLINES after the Christmas Break. Pucha eh. Ang nangyayari 'yung dapat ginagawa in 3 weeks or so ginagawa kong overnight. Hahaha. Natapos mo sana! :)
leokins! nanonood ka pala ng cardcaptor sakura. para kang mga kapatid ko. hehe
Kimie, natapos ko yung iba. The rest, cancelled at di na daw ipapasa. Oh, ang swerte ko talaga!
Hannah, sino sa mga kapatid mo? Yung lalaki? Ang ganda kasi ng flow ng kwento kahit na mababaw. Well, mababaw talaga.
Post a Comment