pangit ang mozilla! kahit na gustong gusto ko nung logo nila kasi hangkyut. kasi nung tinesting ko ang ginagawa kong skin eh hindi lumabas yung:
1. colored scroll bar.
2. multi-colored links (javascript)
3. vertical text.
eh yan pa naman ang mga specialty nun..
change topic. may aquarium na kami!!! though ayaw ko ng isda kasi malansa (basta. mabaho yung aquarium). walang contact (di tulad nung aso. pwede mong i-hug). tinititigan lang. walang tricks (tulad ng sit! jump! stand! roll over!). ayaw ko rin naman ng aso kasi mahirap pakainin tapos papaliguan pa. eh ayokong magpaligo ng aso kasi may naiiwang amoy sa kamay na hindi matanggal for hours. mas ayoko ng pusa kasi basta! ayoko ng pusa!
gusto ko ng langgam. kaso mala-isda rin yun. pero gusto ko yung lakad lakad nila. gusto ko ng langgam sa lalagyan hindi kakalat kalat sa bahay. kasi nangangagat (pag red ants) or nagbibigay gn kakaibang sensation na ayoko (pag black ants) at pangit silang tingnan. lalo na kung maraming mrami!
ang dream pet ko ay: SALAGUBANG! kasi..
1. may contact! masarap sa pakiramdam ang paglakad ng salagubang sa iyong balat. pinapalipad mo!!! nakakatuwa lalo na kung tatalian mo sa paa. kahit na nakakaawa kung minsan. ang kyut eh.
2. hindi mahirap alagaan. talian mo lang ng mahaba. itali mo sa sampayan at ilagay mo sa puno overnight! para may pagkain siya. kugn ayaw mo.. edi i-research mo nalang ang feeding habits ng salagubang! ikaw na magpakain!
3. pinapalipad.... he he he ..
namimiss ko na kasi ang salagubang. doon sa probinsya laging meron ako nun! tapos minsan sa sobrang kamorbidan namin eh tinatanggalan namin ng paa. o kaya itatali namin sa paa tapos iikot namin ng pataas na hawak yung tali (naiimagine niyo ba?). yun ay kung ayaw lumipad. pag mga ganyan eh lilipad na yan. kailangan talian para di makawala. ang pinakamalala kong nagawa eh pinaikot ko at tumama yung salagubang sa puno. patay. eeeeeeeeeee... ang sama kooo..
namimiss ko na talaga ang antique.
kadiri yung title. parang essay sa grade 3.
My Favorite Pet
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment