Elf Talks

bumalik ang kaartehan ni mama.. pinapaenglish na naman kami.. brrr... ano kaya yun. binalak rin niya to noon pero pumalpak. di rin natuloy. ngayon bumabalik na naman ang kaartehan. kaya nga nung may tinanong ang kapatid ko..

"ma. kwentuhan mo ulit kami tungkol sa inyong mga ninuno..."
"i can't understand you.."
"ehhhh.. sige na.."
"i'm really sorry."
"ma. tell us more stories about your elves.."

elf? hahahaha.. kaya tinawag kong elf talks.. elf = nuno sa punso. hahaha.. dagdagan mo lang ng ni.. ni-nuno..

ang maiden name ng mama ko ay ambay. na sa bisaya ng ibig sabihin ay ewan. really! ambay=ewan. gets? literal meaning baa.. kaya nga nung nagpakalat daw ng spanish household directory ang mga kastila para lahat ng tao eh may apelyido.. ang pinakanuno-nunoan namin eh ang sinagot ay "ambay.." ayun..! ang ewan naman tuloy..

ang great grandfather namin ay nagkaroon lang ng dalawang anak (parehong lalaki) dahil namatay na siya bago pa tumanda ang mga ito. ang asawa niya.. nagasawa ulit kaya hindi na Ambay ang apelyido niya.

yung isa sa dalawa.. yung hindi ko lolo.. eh nagkaroon ng maraming anak. kaso isa lang ang lalaki. ISA LANG! at siguro kaya sa dami ng babaeng kapatid eh naging medyo binabae. pero nakapagasawa siya! at nagkaroon ng isang anak lang.. isa lang ulit. at malas naman na babae yun. matanda na rin siya at wala nang balak maganak pa.. walang lalaki ang naging bunga ng branch na yun. siya ang principal ng mag-aba elementary school.. ang nagiisang public school sa baranggay namin sa probinsya.. (yung isa.. private at high school lang. (?) at mga pari ang namamahala.)

yung isa sa dalawang lalaking anak yun yung lolo ko. yung lolo ko ay nagasawa at nagkaroon ng 7 or 6? na anak. isa dun ang nanay ko.. dalawa lang ang naging anak na lalaki ng lolo ko. yung isa.. naging baog. pero may pagasa pa na magkalat ng kanyang apelyidong ambay: kailangan niyang mag-ampon ng isang lalaking bata. pero huli na ang lahat! nagampon sila ng mga babae.. eh ngayon.. matanda na.. wala nang planong magampon.. wala siyang napamanahan ng apelyido. yung isang lalaki naman eh nagkaroon lang ng 3 anak: 2 babae at isang lalaki. imagiinnee.. ISA LANG! at yung nagiisang yun ang tanging pag-asa ng angkan ng pamilya ng aming nanay na dumami!! sana ako nalang yun! para may kakaibang pressure. at baka gawin niyang dahilan yun para mambabae!! "eh kailangan natin ng maraming lalaking anak! ginagawa ko lang to para dumami pa ang angkan namin!"

by the year 2100.. at walang naging anak na lalaki ang pinsan kong yun! eh.. MABUBURA ANG APLEYIDONG AMBAY SA BALAT NG PILIPINAS! waaaahh! wala nang naaalalang ambay ang nanay ko kahit sa buong Antique (probinsya namin..). at wala na ring nababalitaan. siguro kung meron pa...... at sana. kasi nakakawa naman ang nanay ko kung mawala ang lahi nila.. sana magkaroon siya ng maraming anak na lalaki! hmmm...

maraming lalaki sa father side ko.. may isang baranggay dun sa kanila na halos lahat eh padasas ang apelyido.. hahahaha..

No comments: