Lakwatsa is the Name

idadagdag ko lang sa elf talks. si great grandfather ay nagiisang anak. wala siyang kapatid.

kung magreresearch ako eh magsisimula ako sa great great grandfather ko. kung may kapatid pa siyang lalaki. eh baka nabuhay yun eh late 1700's na or early 1800's. baka nga siya ang ninuno namin! ang pumili ng apelyidong ambay. this is interesting.....

pumunta kaming cubao kanina! ang huling punta ko dun eh grade 5 ata. eh ang tingin ko kasi sa cubao eh mainit. masikip. pawisin. pero ang mga galing dun eh natutuwa. (yaaaaakkk!!! ano kaya yun?) basta. masama ang impression ko ng cubao. gumanda lang kanina.

ang ganda ng gateway!!! ang ganda ng mga damit sa rustan's!! kaso masyadong mahal.. matagal ko na yung pangarap. since elem pa. makabli ng isang damit sa rustan's... haaayy.. cubao farmers pala un! yun lang pala ang araneta colisiyum (binanuan ko yung spelling. di ko masyadong sure eh.). nagukay ukay sila pero wala naman akong napili or nagustuhan kasi puro pambabae at yung mga panlalaki eh log sleeves at maluluwag sa akin. (wala namang small medium large dun diba?)

pumunta rin kaming up! para malaman kung alin ang mga classrooms namin! lagot ang mga freshman na hindi gumwa nun kasi maliligaw sila. nakakahiya pa namang magtanong kasi malalaman nila na freshman ka nga. maliligaw ka tulad ko. ang mga rooms sa palma eh 3 digits lang eh yung akin 4 digits! yun pala eh nasa pavilion (tama ba spelling?) ang mga 4 digits! unang digit yung number ng pavilion tapos yung ikalawa yung floor at yung last two eh yung room number. yung college of arts n letters naman eh 4 digit yung rooms eh ang amin 3 digit lang. yun pala eh nasa bagong CAL yun! hmmm.. tapos dun lang din ako nakasakay ng TOKI! and toki is all you need to go to the math building's main entrance! yun yung terminal niya! oh dibaaa.. asteegg.. di ka na maglalakad ng shortcut galing College of science. maganda rin yung dinaanan papuntang MB. kanina lang kasi ako nakadaan dun at ang ganda pa. para ngang hindi na up eh. yung daan rin papuntang mga pavilions eh kakaiba at nun lang kami napunta dun. hehehe..

pasukan na next week!

No comments: