punta akong up kanina para sa id na nakaschedule ng may 26. may kasal nun kaya di ako pwde.. tapos nung mga sumunod na araw eh tamad na ako. kaya ngayon! pwde naman bukas kaso minamadali na ako ng nanay ko. punta silang sm para bumili ng sapatos.
mahaba ang pila (sobra!) sa university cashier kaya bumalik akong sm pra makipagkita and im very muuch great kasi nakita ko nga! nagpaayos rin ako ng buhok (in english, i made my hair fixed!) ah basta! gets niyo yun! ang ikli nga ng buhok ko eh (or naninibago lang na naman ako kasi every 2-3 months ako nagpapagupit, kahit nung fourth year! makipag tagutaguan ka nalang kay sir bacabac). tapos chinallenge ko ang sarili ko. i ate 6 pcs. shanghai rolls sa jollibee with 3 balot ng rice.. and a large coke! di ko nakaya...
i was left with one shanghai roll!!! hahaha.. shempre kinamay ko nalang yun nung papuntang club synergy. nakita ko si manong guard! namiss ko siya! nagtanong ako ng kung sino sino ang mga napunta sa CS at nalaman ko ng inabot ng 12:00 sila tintin nung saturday sa sm! b-day kasi ni jonas! BELATED!! halaaa.. ano kaya yun. ano kaya reaksyon ng kanilang mga magulang? nakita ko rin si.. erg. yung crush ni anali.. ej ba yun o je.. parang ganyan. di ko maalala.. akala ko nga pumunta nang probinsiya yun kasi di ko na nakita for a beri long taym.
lakas ng ulan. musta kaya sila kate nun.. asa boracay sila. hahahaha! nangaasar lang..
bumalik ako para magbayad at madali lang pala. bumalik pa akong sm akala ko kasi super tagal. pumunta akong OUR (office of the university registrar) at nagtanong kung saan yung pichur pichur.
mam [yung lady guard] saan po yung para sa id?
ahh.. ito oh.
binigyan ako ng appointment slip scheduled for july 26!!! (one day b4 my b-day!)
ang ewan naman.. tagal pa nun! my mother will be ballistic!
ehh.. meron ho akong appointment ng may 26.
eh bat di ka pumunta nung may 26? [ang taas ng boses.. palengke queen!]
pumunta po kasi kami sa.. er.. malayo [na hindi naman]
saang malayo?
eh basta ho.. sa malayo..
saan ngaaa!?
[i tot of something obscure] sa camiguin! [nagsinungaling ako.]
woi! dun din ako!! saan ka sa camiguin? [di na niya pinapansin ang ibang nagtatanong]
[putek.. bakit of all places naman!!] eh di ko ho maalala ehh...
bakit naman.. alalahanin mo..
ehh.. [wala naman akong alam na bayan sa camiguin] di ko maalala eh..
sige na nga.. sige.. balik ka nalang ng mga june 20. kung kailan tapos na ang enrollment.
wooo...
ID stands for In-Day
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment