Unstandardizing It

ang ewan ng quesci.

may kaibigan ang nanay ko na may anak na incoming freshman sa quesci kaya may nalalaman siya sa mga pasikot sikot..

totoong hanggang H (the eight letter of the alphabet kung medyo magulo.) ang sections sa quesci. ewan ko kung ano ang itatawag dun.. hertz? bale..dalawa pa rin ang E (the 5th letter...). einstein at edison. tapos. 36 per section pero yung last section eh 48 daw! OA naman sa dami yuun.. brrr..narinig ko na to kay nicole nung pumunta kaming albergus (yung kina joy). tapos inisip namin na hindi na ganun kababa ang tingin sa fleming kasi medyo mataas na rin siya.. hahaha. ang sama ko.

di ko alam kung reliable yung info pero yun ang sabi ni mama.. tapos meron din palang physical exam ek ek na ginagawa aside sa usual interview. abaaa! sabi ni mama mabuti nga daw yun para mabigyan ng chance ang iba. ngak! di nooh.. parang ang baba na tuloy ng standards ng quesci. kung bagsak ka.. edi bagsak! tanggapin mo na yun! dahil may ibang tadhana ang inilaan para sa iyo! <-- yakk ang lalim!

may contact pa rin naman ako sa quesci kahit papano.. he-he-he... akin nalang yun..

pero kahit medyo may pagkabano ang quesci eh mahal ko pa rin yun. dahil kung walang mga kabanuan eh di na quesci ang tawag sa kanya! minahal ko kahit sinusukasuka ko ang mga kapalakan niya. kahit ganun siya eh gusto ko pa ring bumalik at magaral ng ikalimang taon. haaayy.

ang ewan nga.

No comments: