napanood ko na kanina yung Eternal Sunshine of the Spotless Mind.
waaaaaaaaahh.. ang gandaaaaaaa! kahit medyo magulo at ako lang ang nag-enjoy sa bahay kanina..
nagsimula ang movie at ang gulo gulo ng mga nangyayari.. walang nakakaintindi sa movie at ako lang ang nanatiling nakatingin sa tv.. lahat sila nagsasabing ilipat nalang sa iba. kasi meron namang the incredibles at feng shui at around the world in 80 days at yuing amazon <-- ewan.. ko kung ano yan.. eh sa nagenjoy ako sa movie.. sabi ko mamaya nalang sila.. eheheh.. ako nalang ang nanonood at nagkaroon sila ng mga bagay na pinagkakaabalahan.. maliban sa kapatid kong isa. yung babae na alam ko namang may pagka-jologs ehh.. errrgg.. pinipilit niya yung movie ni judy ann sa channel 2.. ehh kadiri. kaya habang nanonood ako eh may istorbo. buti mabait si mama.. kinampihan ako at tuloy ayun.. nagtatanong kung anong ibig sabihin nito at niyan.. ehh.. di ko rin masyado pang naiintindihan.. pero in the whole.. ang ganda! parang yung constantine yung pagkaenjoy ko.. di ko nga lang naiintindihan yung pinag-gagagawa nung bida pero alam ko kung para saan..
tungkol siya sa isang lalaking nagkaroon ng jowa and you know. nangyari ang mga natural na nangyayari sa mga mag-jowa. at nag-away.. nagdesisyon yung babae na ipabura yung lalaki sa kanyang memorya completely.. at nabura nga. nalaman yun nung lalaki at pinagawa rin niya yun.. ehh. you know.. "to remove from his memory completely and to move on." nakalagay dun sa slip..parang ganyan.. nung pinagawa niya na yun... at nandun na sa procedure.. att..ang gulo ng parteng to.. kasi ang daloy ng istorya ay nasa dalawang phase. yung reality at yung fantasy.. minsan.. di mo rin ma-differentiate.. at yung fantasy.. ehh.. dreams. to be exact. ehh. kahit naman ikaw eh maguguluhan sa mga panaginip mo diba? pero nakakatuwa kasi napaka-unrealisic ng mga nangyayari.. bumabalik lahat ng memories at unti unting nabubura.. memories of them together.. at nung gitna.. na-realize nung lalaki na mahal pa rin niya yung girl kaya linabanan niya yung procedure.. tapos sinabi niya yun kay clementine (yug girl.. si kate winslet.) at nagplano sila..magulo.. pero masya.. kung saan saan sila napupunta with all the wierd things happening all around.
ehh.. ganun na nga.. bahala na.. si kirsten dunst. elijah wood at yung isa pang pamilyar ay nandun din.. si elijah wood yung naging bagong boyfriend ni clementine.. at si eli, ten at yung isa.. (well close kami..) .. alalay sila nung duktor. tapos ginagawa nilang house party yung procedure kasi sila lang naman ang kailangan dun sa bahay.. at kaya maingay. kung ano anong boses tuloy ang naririrnig ni joel (yung lalaki.. si jim carrey) sa panaginip.. hahah.. nakakatawa..
di ko na itutuloy.. para suspense.. sa kung sino ang gustong makanood.. att.. ANG GANDA! panonoorin ko pa ulit para maintindihan ko ng lubusan yung mga pinag-gagagawa nila..
di ako natuwa sa ending kasi medyo nalilito pa ako..
basta.. maganda! pero ang mga kasama ko.. boring na boring.. umpisa kasi..ang gulo.. kaya ako lang ang naka-appreciate.. di siya pang-"halika nood tayo!"... pero it is better to watch it with another.. pang-movie report sa english..!
---------------------------------
"How happy is the blameless Vestal's lot!
The world forgetting, by the world forgot
Eternal sunshine of the spotless mind!
Each pray'r accepted, and each wish resign'd."
- Mary (Kirsten Dunst), Eternal Sunshine of a Spotless Mind
Spotted Eternity
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment