nakapagpakonfirm na ako sa up..wahahaha.. yes! kaso sa labas nga lang. dun sa isang internet shop. ang nag-iisang internet cafe na bukas tuwing holy week kasi mukhang pera ang may-ari.. basta..i hate that cafe kaso wala naman akong choice.. gusto ko nang malaman ang laman ng screen if clicked that link.. ayaw kasi sa bahay..parang ewan. ang bagal.. ayaw magbukas.. kahit i-refresh ko nang i-refresh.. oh. it's very much refreshed na..
nagsisisisisisi ako.. nakakainis.. napaka-unceremonious ng pagpapaconfirm ko kasi.. ang ingay.. ito yung shop na 24 hours open na nabanggit ko sa former blog ko.. ang init pa..you know.. walang aircon.. exhaust at stand fan lang..kainis..walang kwenta.. mabilis nga. wala namang excitement.. kasi overpouring ang inis ko habang tinatayp ko yung necessary samting samting.. walaaa.. nonsense. yung katabi ko pa.. nagsesearch ng porn.. brrrr.. okei lang.. kaso ang daming nakiki-osyoso.. ang dami niyang audience.. nadagdagan ang init. wala. grr.. i hate my confirmation.. yun lang pala yun.. itatayp mo lang yung pangalan ng nanay mo. tatay. street address na paulit ulit naa..erg. walang kwenta. naninibago ako sa bilis.. ehehehe.. ang bagal kasi sa bahay..
ito ang pinaka-unboring holy week ko sa aking entire life.. kasi..
1. hindi mainit.. mmm.. okei lang.. mahangin tuwing hapon.
2. may pinapanood na movie araw2.. ewan ko lang bukas.,. black saturday. naubos na namin eh..
3. may palabas pa rin sa tv.. yung tv na hindi cable.. sa channel two. may game k n b?, mr, bean, mission odyssey (tama ba spelling?), home boy, mrs.. kahit ano.. hindi ko na pinapanood yung iba.. pero i'm glad na may palabas sa umaga.. i need not to wake up late like 12:00 kasi may cartoons! hehe.. labs ko pa rin ang cartoons..
4. matitino ang mga palabas or baka ngayon ko lang na-appreciate ang mga ganung movie..sa gabi. kasi sa hapon.. either nakatingin ako sa comp o nanonood ng movie.,.ngayon ko lang napanood yung bata bata paano ka ginawa? at pinanood ko rin yung mila (tungkol sa isang teacher.).. ehehe.. nakakaiyak.. kahit na 5 beses ko na ata yun napanood. mas maganda ang mga ganyang uri gn pelikula.. hindi heavy drama pero nakakaiyak.. parang magnifico..hi james!
5. may food na masarap.. kasi hindi uso sa bahay ang bawal kumain ng karne tuwing holy week..
6. may cable.. half lang ang kasiyahan kasi pangit naman ang cable namin.
7. errrggg.. wala na akong maisip.. gusto ko lang umabot sa seven..
natanggal sa amazing race sila susan at patriiiiiickk! waaaaaaaa.. not fair.. kasi lagi nalang natatanggal ang mga gusto ko sa amazing race eh.. o kaya naman eh hindi nananalo.. ganun na rin yun..examples.
1. susan at patrick. tar7
2. jonathan at yung kasama niya. tar6
3. yung ot ot na lalaki at ang kanyang pasensyosang gf. tar6
4. brandon at nicole. tar5
5. charla at mirna (yung midget). tar 5
6. yung virgins. tar 4
7. yung bowling moms. tar5
pinaabot ko talaga sa seven.. tar means. the amazing race.
ehh.. ang kyut pa naman nilang magpartner.. mother & son.. kaso.. laging nag-aaway. pessimistic (or realist.. sbi niya.) si patrick.at si susan. optimistic.. ehh. laging away. mahina naman talaga sila eh.. nakakatuwa lang. pero okei na natanggal sila kasi nagkaroon ako ng bagong paborito.. si deana at ang kasama niya.
pinakamaganda talga ang amazing race 5.. hindi dahil sa nagpunta sila sa pilipinas.. dahil. matitino ang contestants..
hindi nanalo si .. erg.. nakalimutan ko.. basta yung isang babae sa outback jack.. kanina ko lang napanood at yun na rin ang last na episode. ehh.. nagustuhan ko agad yung babae eh.. wenk. sana siya nalang..
------------------------------------
"I hate them. I really hate them." - Lynn, Amazing Race 7
sila rob at amber ang tinutukoy.. ayoko rin sa kanila.
Amazing Confirmation
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment