pumasok ako for my up.. sm. basketball..
and for photo hunt..
photo hunt sa synergy.. at photo hunt ng tao.. basta.. akin nalang yun..
nakakatamad ikwento yung basketball. masyadong maraming detalye.. at mahaba.. eh basta.. tinatamad ako.. punta nalang kayo sa blog ni lorine.. siguradong kompleto yun!
wahahehehehe.. wala lang..post for nothing..
ay ito pala: aalis na ang aking pamilya (that is, mama.. kapatid, kapatid, kapatid, pinsan, pinsan) ewan ko yung isa kung sasabay sa kanila pero alam ko pupunta pa rin siya.. aalis na sila sa monday.. oh you know..sa probinsya.. hehe.. sa antique.. yung maraming mumu.. wenks.. walang mumu dun! aswang lang! kaya nga ko nanggaling dun eh.. hehe.. ah basta.. aalis sila. at sigurado.. maliligo sila sa dagat... dagat.. you know.. sea.. MISS KO NA ANG MAG-ABA, PANDAN!!!! waaaa... miss ko na si auntie diday, si kuya bibot, si aybet, si mehmeh <-- yung kambing na walang gana pagdating sa grass kasi preferred niya ang salad at karne..
ayyy.. siguradong malaki na si mehmeh.. at siguradong napilit na niya ang sarili niya sa damo!!at baka nakain na rin siya.. ayyy... nandun din pala si kuya lotlot at ang kanyang asawa at ang kanilang anak. si (nakalimutan ko na yung pangalan nung aso..) na mahilig maglakwatsa at laging nawawala.. sila uncle urban at auntie cashmere na may-ari nung resort na okey lang naman.. di naman pangit.. pero maraming seaweeds..PERO ANG GANDA DUN!!! mas pipiliin kong dun matulog kaysa sa bahay ni auntie diday kasi.. maganda.. hehe.. malamig pa kasi nakaharap sa dagat.. tapos.. maraming disenyo yung bahay! engk.. malawak.. basta yun!
ang masayang lakad papuntang dagat.. maraming coconut trees, baka.,. ebak ng baka..kambing, ebak ng kambing.. buhangin.. eh basta.. maganda ang buhangin kasi hindi sa dark.at yung mga bato!!!! siguro tinaggal na ang mga yun.. ang mga bato na tirahan ng matitinik at di matitinik (dalawang uri yun..) na sea urchins.. ang mga kadiring sea cucumbers.. ang mga seaweeds at sea grass (kung ano man ang tawag dun..) yung mga batong yun ang tinalon talunan ko noon,.. wala lang.. feel ko lang ang island hopping.. tuwing low tide yun! at kung marating mo yung dulo eh.. masayang masya kasi sobrang layo nun sa dlampasigan...at yung tubig eh.. wenk.. malamig. (obyus baaaaa..) basta!!! tapos kita mo yung sunset.. ang dami ng taong naghahanap ng shells.. well. kyut ang shells pero wala akong pake..ang low tide sa mag-aba ay napakaganda....
babalik ako sa bahay ni auntie na basa ang shorts.. at kung minsan.. nawawala ang tsinelas.. manonood ng tv patrol kasi channel 2 lang ang channel doon! wala ka nang pagpipilian.. walang cartoons, axn, amazing race.. kakain ka ng isda.. isda ang common food pero nagsisikap silang pakainin kami ng karne minsan.. manonood ng isang vcd, betamax o dvd.. kahit ano..tapos.. matutulog sa not-so-comfy na kutson.. kasi ang lamig masyado.. tapos gigising ng maaga.. late na ang 8:00 <-- hiyang hiya ka na kapag nagising ka ng 9... kasi lahat ay sobrang aktibo na.. wala nang antok.. tapos pagkatapos magtanghalian eh matutulog ulit.. kasi.. walang palabas sa tv kundi.. telenovelang mexicano.. ayy.. noon yun,.. ewan ko na ngayon.. at mauulit ulit ang mhiwagang sunset...
minsan.. kapag nasa tamang mood ang mga tao eh maliligo kami sa malumpati.. sa ilog na medyo inayos para maging kaiga-igaya sa maliligo.. pero weird pa rin kasi.. masyadong malalim yung ibang parte.. walang nakakaabot.. parang cliff.. o kung minsan.. napaka-minsan. kasi once or twice parang nangyari..
MAGYAYAYA SILA SA BORACAY!!! at titira kami sa isang bahay ng pinsan sa ama (ewan ko kung paano napasok si papa dito eh puro sa mother side yung lugar..) .. ay wait.. maganda ang daanan papunta dun! mga 30-minute ride lang.. na katatampukan ng matataas ng bundok.. i mean.. walls na sa likod nun eh yung bahay lang namin.. eh.. umikot lang noh?.. mas madaling umikot kaysa sa mag-mountain climbing at mag-rapelling (tama ba?) pababa.. kasi nga malapader ang slope.. tapos sasakay ng bangka.. na wala lang.. tapos.. maglalakad ppunta sa bahay.. at hey! may cable dun!!! pero nonsense kasi maliligo ka rin lang naman... maraming poreners.. wala pa akong nightlife sa boracay noon kasi bata pa ako..
gusto kong sumama kasiii..
1. shempre.. masaya sa probinsya pero wala akong memrens dun! magsasawa ako sa pamilya ko..
2. kami lang ni papa ang maiiiwan sa bahay..
3. huli akong nagboracay nung after grad. ng elem.. dapat ngayon din..
4 baka mag-boracay silaaa.. AND YOU KNOW WHAT!? ahh basta.. may makikita ko dun kung gumana na naman ang karisma ko sa coincidence.. bastaaa.. may nabasa ako sa blog ng iba.. tanong niyo nalang sa akin...
engks.. akala ko tamad akong magpost ngayon.. wahahahaha.. di pala..ang haba..
----------------------------------
""Ang pikon ay laging talo." - a common salawikain
prove its converse: "Ang talo ay laging pikon." <---- buwahahahahaha.. example: jasms
buwahahay.. basahin niyo nalang sa blog ng ibaaaaa.. Ü
Antique Memorables
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
wahaha! i agree with your converse...loko! may blog na ako dahil sa inyo...
Post a Comment