Next Picture

wahahaha..

ang ganda ng sakripisyo ko for the holy week..

sadyang napakahirap.. kasi.







KAILANGAN KONG MANOOD NG AVERAGE OF FOUR MOVIES A DAY!

movies.. film.. o kahit ano.. ganun na rin yun.. wahahahahhaa.. mainggit kayo!! ang saya noong good friday! pagbukas ko ng tv.. yung cable tv.. lord of the rings (return of the king) sa hbo! tapos.. alos kasabay nun (kaya palipat lipat ako ng channel) ay ang finding nemo sa disney. nakakainis nga kasi di ko nasimulan.. at walang commercial kaya kailangan kong magsakripisyo na hindi na panoorin ang scene na yun para mapanood yung isa..at pagkatapos nun ay yung comedy na pelikula ni.. argh.. nakalimutan ko na.. pero nakakatawa.. eddie murphy ata. di ko sigurado. pero di ko rin natapos kasi kailangan nang kumain.. at pagkatapos.. yung mano po.

sleep.. sleep.. at kinabukasan..

around the world in 80 days.. sister act.. anak.. amazon..! easter sunday.. sister act ulit.. at mamaya.. harry potter 3. at catch me if you can.. at kung aabutin pa..tomb raider. at kung di parin naantok.. at siguradong mbuting pampatulog to.. naglalayag ni nora aunor.. hahahaha.. yeeeeaaahh!! ÜÜÜ

first time kong magsimba sa black saturday. at kakaiba kais nasa labas kami ng simbahan.. at ewan.. pagkatapos eh pinapasok rin tapos.. ang mahabang salmo. apat na salmo lahat lahat. erg..kasi madilim naman (nakapatay ang mga ilaw.) naglalaro nalang kami ng kapatid ko ng bato bato pik. yung pitikan. hehehe. ang ingay namin! ang sama kooo..hhaha.. pero mabait na kami nung second part.. yung para sa easter sunday! well.. dalawang misa.. 2 hours kami sa simbahan!

nagrorosaryo na rin kamiii..! naboboring ako pero wala akong mgagawa..relihiyoso ang aking tatay at kailangang sumunod. ang huli ko atang regular rosaryo ay noong nasa probinsya pa kami nakatira.. nung mga 4 yrs. old pa ako.. at bisaya pa ang mga dasal! weird noh.. natutulog pa ako nun habang ang mga matatanda ay nagpapatatagan sa pagdasal..

hay. ang sama ko..

------------------------------
"Sa bisa ng kristal ako ang iyong sugo, Krystala!" - Krystala (Judy Ann Santos), Krystala

wahehehe... kimiiiee..

No comments: