WOAH! WOAH! WOAH!

Nagbbrowse ako ng Flash Add-ons sa del.icio.us at ito yung unang lumabas:

Flash Earth ...satellite and aerial imagery of the Earth in Flash (http://www.flashearth.com/)

SHIT. Nung una ko tong nakita eh napamura talaga ako ng sobra. SHIT. Grabe, nakita ko yung bahay namin!! Hahaha! SHIT. Tumayo balahibo ko. SHIT. Grabe, stalking maxima! Mapa ng buong mundo to the level of streets. Sayang at hindi na niya kayang makita yung mga eskinita pero SHIT parin. A view of the whole world from outer space hanggang sa bubong ng bahay niyo. Grabe yung soccer field ng Quesci, magandang rooftop ng NIP at marami pa. KITANG KITA! MALINAW. Parang Marauder's Map sa Harry Potter pero BUONG MUNDO. Hanggang sa mga yelo sa Antarctica; hanggang sa busy streets sa Hong Kong.

Palma Hall (ayun yung Chem Pav oh! at ang Casaa!)

Ang henyo ng gumawa nito! Isipin niyo nalang kung gaano ako kadalang maging spontaneous sa mga posts ko. Siguro nakita niyo na to sa Geog 1 class niyo o sa kung saan man pero kahit na. Ang ganda parin. Ang huli ko kasing kita ng Google Maps eh wala pa yung streets ng NCR. Ngayon hanggang mga puno kita. Eh partnered with NASA ba naman eh.


Quesci (soccer field oh! at part ng Carpark rooftop; may kotse pa!)

Siguro OA yung reaction ko pero astig eh. Nakita ko yung Area 51, yung lugar heavily militarized zone sa US. Kaso di ako makakita ng airplane o kaya something suspicious. Siguro underground. At di ko rin makita kung saan linagay ng mga Iranians or North Koreans ang mga nuclear bases nila. Ahhhh. Astig. Syempre yun yung mga hinanap ko, hindi yung Tower of Paris or yung Statue of Liberty. Hahahaha.

Sana na susunod eh may X-Ray viewing na rin para tagos sa mga bubong (well, sa pagiging teribleng stalker ba naman ng Google). Hahaha! Tapos kita na kita habang naliligo!

O kaya "Oi, wala ka naman sa school ah. Lakwatsa ka na naman! Asa SM ka oh! Kitang kita!"

O kaya meron na rin sa mga cellphone "Ang hirap ng exam. Ano kaya sagot ng seatmate ko... Hehehe"

O kaya "Mommy! Si Daddy nakita ko sa bahay nila Aling Bebeng! Nakahubad sa kwarto!"

O kaya "Kate! Linalabas na yung latest slippers ng Havaianas! Ayan, dinadala na sa truck!"

Kaso pangit din. Parang lahat tayo ay binigyan ng kapangyarihang katulad ng kay Big Brother. Walang privacy. Ayoko ngang masilipan! Hmmm. Sana ako lang ang meron ganun. Bwahahaha!

Astig. Baka ito na yung gawin ko for the next hours instead of the scanning para sa exam bukas. Mas worthy ata to. Hehehe.

10 comments:

kimie_me said...

Google Earth ata kaya pang mas malapit eh. Pero ang trade-off you have to DL the software.

Ang cute pala ng ibabaw ng bahay namin, color brown lahat tapos sa gitna may puting yero! :D

Anonymous said...

HAHA.
so ako talaga pag havaianas?
hehe.

hello there said...

sa google earth ata may favoritism eh (parang prof ni leo). depende kung gaano kasibilisado ang lugar na ivview. astig to leooo. :D pangistalk nga.

leoo said...

Kimie, oo nga mas maraming features ang Google Earth. 3D siya at mas maraming features and interactivity. Kaso di mo ramdam na totoo kasi computer graphics lang ata. I mean medyo barok yung graphics. Pero, oo nga mas matino yun. Ang gulo ko!

leoo said...

Kate! Wala lang akong maisip na pangalan. Ayaw mo yun, may publicity. Hehehe.

leoo said...

To Kimie ulit: oo nga tama si Anali, puro mga sikat ng lugar palang yung in detail.

To Anali: astig talaga noh! Hanggang ngayon eh naeexcite ako pag dadalaw sa site na yun. Hihi.

hannah said...

ooohhh! cool! pero yeah, sa google earth nga may favoritism. sa pilipinas di masyado updated at di pwede izoom.

leoo said...

Hannah! Ayan may tool na tayo para mahanap si delivery guy. Hehehe!

Anonymous said...

pwede ba tong maka.save ng movie (kahit anong format ..mpg, avi..etc) while zooming in a certain place..

leoo said...

Orville [kung sino ka man], cool ka ha, moviemaking enthusiast! Hahaha! Di ko alam eh, check mo yung site.

I doubt. Kasi yung site (albeit Flash) relies heavily on images. Try mo yung Google Earth. The previews of their products show something like what you want.