For half a day eh Pilipinas na naman ang bida sa CNN, BBC at Aljazeera. Nagbabalita ang mga news anchors tungkol sa mga dinukot na British sa Iran nang flash! may hinohostage na mga bata sa isang bus sa Pilipinas! Nauna pa nga daw ang mga world reporters kaysa sa ABS-CBN or GMA eh. At ewan ko lang kung di nagsawa ang mga dayuhan kasi tayo talaga laman ng news mula tanghali hanggang matapos ang drama hanggang gabing gabi.
Hay, ang pathetic pa ng reason. Ininterview pa daw si Bayani Fernando kung ganun na talaga ng kalagayan ng kahirapan sa Pilipinas at may mga taong gagawa ng desperate moves para lang guminhawa. Ayun, syempre palusot naman siya. Ampanget.
Buti nalang maganda yung bus at maganda yung view sa likod (kasi park ata yun). Woot. Tourism galore! Hahaha.
Sikat na naman tayo sa world! Sabi nga ni Mama eh gagayahin na naman tayo ng ibang bansa niyan. Tulad ng Orange Revolution sa Ukraine at ang pagrerebelde ng mga estudyante sa Chile (nagpapasiklab lang ako dito. hahaha). Woo san ba nila nakuha yun edi dun sa fantastic EDSA Revolution. Ang galing talaga natin. Sarcasm aside.
Oh well. Wala lang talaga akong mapost pero gusto ko kasi ang boring na ulit ng buhay. Ang insight lang naman nito eh nanonood ng CNN, BBC at Aljazeera ang mga kapamilya ko pag nag-oon ng TV. Astig noh? Eh kung ako mag-on eh diretso sa Jack TV o kaya Disney Channel (at DW-TV rin naman! gustong gusto ko yun). Wala kong kwenta.
Sikat Ulit Tayo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
NAPANOOD NAMIN YAN!
yeah... itaas ang bandila!
Nyak. Proud ka? Hahaha!
Post a Comment