Title Ito.

i hate second sem. kung sinong may gusto ng second sem. hate ko rin siya.

physics 71. elementary physics 1. weird ang mga teachers sa physics. not that im underestimating girls in this field pero halos lahat ng profs sa physics eh babae. bakit ganun? anong nangyari sa mga lalaking profs? wala naman akong maisip na trabaho ang graduate ng BS physics maliban sa teacher. kaya ang mga lalaking kumuha ng physics eh dapat nandun din sa national institute of physics. ah basta. nawala ang physics skills ko.. huhu.. ewan! nagexpire na yung naipundar ko sa utak ko nung asa high school palang.

una, mali ang 3 homeworks ko dahil mali ang sign ng sagot. for example.. ang sagot eh -25.7 m. ang sagot ko eh 25.7 m! edi mali na yun.. hmmmpp!!
pangalawa, yung recit namin eh parang quiz every friday. isang tanong lang. gets ko yung tanong pero yung lumalabas na sagot eh undefined. hows that.. yun pala eh di ko nalagay yung tamang sign ULIT. ayun.. undefined nga naman ang square root ng isang negative number.
pangatlo, lagi akong late.. at nakakaapekto yun ng malaki kasi nawawalan na ako ng gana sa klase.. tinatamad akong ilabas yung notebook at pinapaiiral ko na naman ang aking photographic memory na sira ang lens. arrr..

astig yung prof ko sa physics. babae siya tas nagawa niyang magdiscuss sa harap ng 100++ students! ang hirap nun noh! parang auditorium tuloy.. ang pangit lang eh nawawala ang teacher-student confidence. di alam nung prof kung sino sino sa mga students ang medyo hirap. powerpoint ang gamit niya sa pagdiscuss tas nakaproject sa isang very high white wall. asteeeeg. wala lang. naastigan lang ako. pangit nga lang kung walang projector. tulad ng past meeting namin, walang projector so medyo helpless siya.. hehe..

gusto kong i-drop ang physics. gusto ko ulitin at baguhin ang mga kasuper-engengan ko.. kaya ayoko rin ng physics ko ngayon.

chem 17-lec. general chemistry 2. ang pinakaayaw kong klase. ancient na yung prof ko at di niya siguro alam na may estudyante siya habang nagdidiscuss. may hawak siyang kodigo tas icocopy lang niya yun sa board. kunwari nagdidiscuss. buti nalang eh madadali pa yung lessons. pamatay pa naman daw yung chem 17. mataas na ang 2.5! owmaygad. tas yung pa yung prof ko. kung magtatanong ang isang estudyante.. parang masastartle pa siya.. parang "oh! sino yun!?". tas ang time pa eh 2:30-4. lagi akong tulog kasi after lunch yun tas super init pa sa klase. eh madali pa naman akong matulog kung after lunch tas mainit. parang yung math17 class ko last sem. siguro 17 yung number ng mga antukin. di naman ako naantok kapag ganun.. ayeee. may exam kami nun.. surprise. actually homework siya na parang hindi. kasi sinulat lang niya sa board tas sabi "sige, practice this at home". kaya di ko ginawa at ni kim, ni val, ng katabi ni val, ng katabi ng katabi ni val at nung katabi ko. ewan ko yung mga asa harap ko.. medyo masipag sila eh. ayun. yung homework na yun naging quiz. OPEN NOTES. edi ok! waw.. pero san mo kukunin yung values ng constants.. eh asa appendix yun ng libro. shempre close books. edi di rin namin nagawa kasi wala kaming iiinput sa mga equations na gets na gets naman namin. 4/10 lang ako. hmmp.. dapat pala gumagawa ng homeworks.

dito nalang muna.. magtitime na ako eh..

sira ang internet namin. ok lang yan fans. alam kong nabubugnot na kayo sa ym kasi di na ako nagoonline dun. patience! tas wala rin akong naabangan ngayon.. sana may isang super bigat ng homework na kailangan ng super bigat na internet.

di ko na tinuloy yung nangyari sakin sa enrollment. nawala na yung feeling eh. sabi nga ng prof ko sa cw10 eh "you preserve the feeling until you write.." parang ganun.. eh nabulok na yung feeling eh. so chiiiing! wala na.. ipapaimagine ko nalang. nung second day, walang nangyari. dineny na naman nila ako. third day, umiyak na ako. umiiyak ako habang naglalakad sa corridor sa pavilion 1. umiyak ako dun sa sasakyan ni caloi. paano ba naman kasi eh sabi sa math sa wednesday nalang daw. pagdating sa wednesday eh wala na! ayaw. dapat daw nung first day pa yung freshies. sabi naman sa chem eh inextend up to 40 per class. pero pagdating ko sa enlistment room ng chem eh wala na.. naubos rin. kasi habang andun ako sa math at nakikipagtalo sa pangit na bading na enlister eh tumatanggap sa chem ng mga wala pang chem. yun lang! yun lang naman ang highlight nun.. ang pagiyak ko dahil sa kawalan ng pag-asa na makuha pa yung dalawang majors ko-chem17 at math53. SALAMAT MULI KILA RUTH, ANALI, KATE AT CALOI na may kotse nung araw na yun kaya di kami nahirapan magpalipat lipat sa math building, chem, engg at sa kung saan saan. nakakuha ako ng chem17 later that day kaso dahil dun, pinacancel ko yung g.e. ko at yung physics 71.1. kasi yung slot na pwede eh yun nalang. edi naging dalawa pa yung hahanapin ko! nakakuha ako ng g.e. the week after that. prerog. nakakuha ako ng physics 71.1 kinabukasan. nakakuha ako ng math53 kinabukasan rin.

di naman pala malala yun! nakakaembarass tuloy ang aking kadramahan.. at least medyo sanay na ako sa hirap ng enrollment.

nung pinagawa kami ng essay tungkol sa isang fear mo (sa creative writing. yun yung diagnostic test namin), sinulat ko rejection. that explains why. that explains why we should stop the mimic love story.

ang sinulat nung katabi ko eh "enrollment".

No comments: