December 15, 2005

oblation run nun! pero mamaya nalang..

xmas party namin sa math53! bongga noh? may christmas party pang nalalaman si sir abueg. masaya naman.. kahit super simple lang. may exchage gifts kaso sa party mo pa malalaman kung sino yung nabunot mo. unisex yung pinadalang gifts tas 30 pesos and below. ang hirap kaya nun! ang rinegalo ko ay 2 clips, 1 post-it pad, 2 blue books (haha!), 1 eraser, 1 pencil. i-add mo at 30 pesos na yun! hirap rin naman lahat ehh.. yung iba nagregalo ng mug, pamaypay (ito yung bestseller!), panyo, yung mga katiting sa papemelroti. pero bago ko maisip yung mga school supplies na rinegalo ko eh naisip ko muna ang condom, hoola hoop (atuali si kate nakaisip niyan..), dice, pinwheel.. hahahahaha! eh wala eh!

may games.. super simple na games.. yung nakaupo ka lang tas matatawa ka na! ayaw ko idescribe! katamad.. di naman kayo matutuwa. yung food.. palabok. WAAAAHH!!! PALABOK!? eeehh.. ayaw ko ng palabok. hihi. kasi may hipon ata yun eh! allergic ako sa hipon.. pero di naman ako nangati nung hapon na. konti lang kinain ko kasi takot ako at rinequire ko sarili ko na kumain para di nakakahiya. di ko rin nalunod ang sarili ko sa coke kasi di naman malamig at konti nalang nung turn ko na para kumuha. kakahiyang magbukas ng isa pang bote eh.. hehe. si mam bargo nakikain din. feeling! hihi.. siya yung prof ko nung math 17.

natanggap ko eh pamaypay na bulaklakin at isang panyong kulay blue. panlalaki plus pambabae equals unisex nga naman! si ate donna (batch 04 ng quesci) ang nakabunot sakin! hihi.. tas bago pa yung bunutan eh nagcoconfess kami sa isa't isa na pangit yung mga dala naming regalooo.. hahahaha! ok lang! at least nagamit ko yung pamaypay after nung party kasi.. oblation run!

di naman ako dapat manonood ng oblation run kasi gutom na gutom na ako. (WUSHU! inunahan ko na kayo kasi alam ko yung mga nasa isip niyo! kaya inunahan ko na nga kayong i-wushu ang aking sarili..) nahatak lang ako kasi wala akong kasama sa sm o sa casaa o sa beach house. masaya naman! lalo na yung mga tilian nila claire at enen bago pa man magsimula ang takbuhan.. nakaposisyon kami sa tambayan ng quesci.. tambayan namin. yung asa stairs na malapit sa office of the dean. kung di niyo yun alam. beh! nakatayo kami dun na naghihintay. nung una.. di daw dadaan yung mga hubad sa tapat ng tambayan. nung una nga.. hindi. kaya wala rin kong nakita nung dumaas sila sa AS lobby. pwet lang. para kaming niraid ng mga pulis sa tuwing tututok ang camera sa amin. ba naman.. shempre nakakahiya na makita ka sa tv na nanonood ng oble. lalo na sila mommy! oh my mommy.. buti wala sila sa bahay nung evening news na! continue.. akala namin tapos na nung dumaan yung mga yun sa AS lobby.

hindi pa pala.. ang lakas ng tiliian nila claire nung pinapahawi yung daanan sa harap namin nung manong guard kasi dun daw dadaan! waaaaahh.. napunta ako sa front row! at yun.. dumaan na sila! tapos. with all the tweetering teees dangling merrily as they run.

WARNING: GREEN GRASS AHEAD

haha! ito yung nacomment ko after nun.. akala ko malilit na yung akin. (ilan kaya ang magrereact sa statement na to.. hahaha!) eh ganun eh! umaatras ba yun pag nahihiya? di naman ah.. hehehehe. sabi ni kimie baka nagsesearch daw kami ng porn kaya nacomment namin yun. eh basta! ayoko na nga icontinue. baka macensor ako. more green grass pa sana.

di ako naniniwala na seryoso sila dun sa mga gloria resign things na dala nila habang tumatakbo. para lang naman may reason yung run run na yun eh! para masabi na may sense.. sabi nga diba sa history ng apo eh katuwaan lang naman talaga nila yun. basta! kasi pati raliyistas eh nakijoin.. ok lang! mas maingay mas masaya. ganun lang pala yung oblation run.

pumunta kaming sm after nun. naghanap ng pwedeng iregalo pero wala rin akong nahanap. actuali may nahanap na ako at may pera din pero katamad eh! sayang ang money money money. pasyal pasyal. pumunta pala kami ni ruth sa quesci para makikain. haha! yun naman talaga yung purpose nun.. di naman ako nakakain ng tama kasi nahihiya ako. dun kami sa staffroom nagstay.. eh shy ako. dun lang ako sa labas hanggang sa tinawag ako ni ruth at nakicharge ako ng phone. may dala akong charger eh! umalis kamiat pumuntang canteen. hoping na may mabili para sa kumukulong tiyan. wala. walang silang tininda! ARR.. nagikot kami at nasalubong ni ruth yung blanch na 06. hehehehehe.. tapos may kasama siya tas binigay nalang sa amin yung cake na ube kasi tiratira nila yun sa xmas party. tira tira pero ala pang bawas. super sayang. pero okey na rin. nakakain ako ng instant ube cake. yung blanch pala eh mageeighteen na.. magdedebut! haha! happy eighteenth! ako nga magseseventeen palang ehh. i'm still sweet. sixteen. sweet. umalis at pumuntang sm. nakisabay kina allane na kumain kasi sila kimie, ruth, gelene, anali, yuri ay aalis at babalik na ng up. tumingin ng pangregalo. di ko naikwekwento. nonsense na yun eh.

nagrush kaming pabalik ng up kasi lantern parade na! omg! ang aga! 4:30 palang eh nagstart na! akala ko eh 5 pa yun tas may filipino time pa. di pala uso yun sa up. pilipino kaya ang up? hihi. anyway, nagtaxi na kami kasi super haba ng pila sa sakayan dun sa may sm. at nung sinabi namin kay manong na "up po! pakibilisan! may hinahabol po kami!" nagreply naman.. "saan ba sila dumaan? doon ba sa may mindanao? hayaan niyo mauunahan natin sila!" haha! nakiride! sa theater kami bumaba kasi nagstart na dun sa may bandang palma hall at para kahit papano eh may mapanood pa kami. akala ko naman eh ang late late late na namin. di naman pala. si kimie kasi eh! kimie! kimie! rinush kami.. ang tagal tuloy ng hinintay namin.

maganda ang lantern parade. out of 10 ang grade ko eh.. 6! hihi. mataas kasi yung expectation ko eh! masaya sana yung mga sumasayaw sayaw na ethnic dun sa bandang harap kaso nung dumaan na harap namin ejh pagod na ata. tapos nung mga 100 metro na ang layo eh saka sumayaw! angcute cute pa naman. kahit sa malayo mo lang makita.. bwisit sila! parang dominated masyado ng fine arts ng parada. yung cssp parang ewan na may dalang bandera na kasaysayan. sikolohiya. pilosopiya. whatever. yung engg eh engg.. ang ikli nga eh. to think pa na yun ang college na may pinakamaraming students! masaya yung sa up rep! hehe.. si val nakita ko.. nagwawagayway ng malaking tela. hihi.. ang dami palang sasali sa batch namin sa up rep! kagulat.. yun yung org na nagaacting.. theater theater.. si senador din nakita ko! hahahaha! asteeeg!! kasi sumasayaw sayaw siya na may suot na maskara. ewan.. wala naman sa nature niya na sasayawsayaw pero kasama siya dun sa parang cheerleading club or cheerdancing club. wa? hehe.. si senador yung crush ni kate na tuod kung sumayaw. nakita ko rin si anali! shempre.. kasama siya dun sa fine arts kasi ang ge niya ay fa30. basta. ang saya palang sumama sa lantern. nakita ko rin si kate at yuri at jc! si yurii eh may isda isda pa sa ulo. i mean. live fish. kasi yung theme ng kanila eh "water" tas parang may isusuot sa ulo na lalagyan mo ng design. sa kanya may buhay na isda na nakabalot sa plastic! haha! astig.

picture picture din kami sa magagandang entries dun. pahihintuin namin ng parang "para! papicture!" tas mag papapicture kami! hehehe. sa susunod ko nalang ipopost yung pictures kung may time si anali na iload yun sa net. masayang masaya ang lantern kaso sana di ganun kagulo. naguluhan ako eh.. nung tapos na eh inabangan na namin yung fireworks! dun kami sa sunken naghintay! wala namang nagsesetup. hanggang sa makita na namin na may hinahagis sa langit na mga ilaw. dun pala sa may quezon hall. bwisit. pero palalagpasin ba yun? HINDI! hehe.. tinakbo namin ni eloi yung kalahati ng acad oval para magkaroon ng malapit na view ng fireworks. epal na mga puno yun! such a big hindrance sa isang magandang view. epal sila mama.. andun sila sa quezon hall. nanonood! di man lang nila ako kinontact! andun apala sila at nanonood ng mas malapit!!! epal!! overwhelming daw kasi super lapit.. haha. NYEH.

ang haba na ng post na ito. so long naman kasi the day eh!

nahatak ako sa miss engg. akala ko beauty pageant yun na parang miss universe. kaya desedido na ako na pumunta sa observatory para manood ng meteor showers. hindi pala. nung inexplain nila allane kung ano yung miss engg.. nawala yung observatory sa utak ko. astig pala talaga yun! ginanap siya sa may engineering lobby. mga lalaking straight na pinabihis babae. waw! ang agaganda nila! di ko lang sure kung may bading nga dun pero sabi nung iba eh bading daw yung sa KEM. labanan ng orgs sa engineering. bale bawat org eh magpapadala ng isang lalaki na sasali sa miss engg. haha! barahan nga ng mga orgs eh! ang saya! kagulat gulat din yung malaking sacrifice ng mga lalaking yun! they sacrificed their masculinity! ok lang sana na sumali dun pero yung aahitin pa yung buhok sa legs pati na rin sa dibdib at bigote at pati yung buhok sa kilikili. waaaaaaaw!! inahit nila.. astig! kilos lalaki parin kasi yung iba sa kanila at yung mga galaw eh supposedly nanngseseduce na babae. iquoquote ko yung isa.. "you can call me virgin for short. but not for long..." hahahahaha! yan lang yung narinig ko ng malinaw kasi yung sa iba eh nalunod na ng malakas na boo at hiyaw ng audience! ang saya.. yung mc eh di na makasalita ng maayos kasi pati siya eh binoboo na.. kaya hindi na rin siya yung bida ng stage. lagi lang siyang nasa gilid. hihihihi..

umalis kami kasi ang init init na. ang sikip sikip. di na namin natapos yung miss eng. pero kung may mananalo.. bet ko yung sa erg o yung sa cursor. pagkatapos nun.. umuwi na kami! nila jen, leon, mark, allane at ako. umuwi na pala si anali, kimie at kate. di ko na sila nacontact kasi walang signal sa lobby. ang haba talaga ng december 15! dapat abangan ang araw na ito. kung kailan sasabay ang oblation run sa lantern parade at sa miss engg. ang sayasaya. magpareserve na rin kayo ng seats sa miss engg para madaling makanood o magvolunteer na border ng audience sa oblation run o magFA30 tuwing second sem para makapasok sa lantern parade o simply manood at makisiksik.

WEEE!!!


may isa pa plang akong comment dun sa oble. blog ko to ha kaya wala kayong magagawa.. anyway, i think that the run run was.. uhmm.. hehehehe.. the run run..

is..


er..





cool.

earmuffs please.

No comments: