On Cigarettes and Beer

From RH (Red Horse) to RC. From Dunhill to Marlboro. Parang isa sa mga highlights ng get-together ng elem friends ay ang pag-iwas sa peer pressure. Pressure to drink at pressure to smoke. Hahaha. Pero di naman sila bad friends. Common habit na yun ng mga taong kaedad ko. Glad to know nga na may mga katulad ko ring ayaw. But they still gave in kahit na katiting lang. At di rin naman nahati ang group into mabisyo at not mabisyo.

Ako, may tatlong baso na nasa harap ko. Lahat inalok sakin pero ayun, uminit na at di ko parin nabawasan. Hahaha. Sana di sila nadissapoint. I SURVIVED WITHOUT BEER! Bwahahaha. (tas iba ang iisipin, "ang loser mo naman!")

Anyway, ang sarap makipagupdates sa mga long lost friends. Sana may ganun lagi. Ang diverse na ng batch. May Lasalista, may nabuntis, may fratboy (or siguro mukhang fratboy), may mga ganun parin, may mga nagbago, may shocking, may cool.

  1. Rembert - Bahay niya yung place. May sariling motorcycle. Coooool. Astig.
  2. Jemimah - UP, Secondary Education. Single. Hahahaha.
  3. Sweeden - Miriam, MassComm. Batchmate ni Cha. Nalito kung sino si Carlo at kung sino si Mico (whoever he is). Ahay!
  4. Jemima - iba yan kay JemimaH with an H. Nursing sa Fatima. Cheerful parin.
  5. Eduardo - LaSalle, CompSci. Gagraduate na. Humaba mukha, lumalim boses. Nakatira na sa Imus, Cavite. Hwooh, layo! Sino ba si Rose Ann?
  6. Steve - Graduate na daw. Ewan, di ko naintindihan. Nakapula siya at nung uminom eh kakulay na niya yung damit niya. Super. Medyo nakakatakot na rin. Hihihihi.
  7. John Paul - PUP, Management. Dunhill ang cigarette ahuuuh.
  8. Marvin - may sarili nang studio mehhhhn. Walang pinagbago. Nag-growup naman in a way. Hahahaha. Joke lang.
  9. Jennelyn - PUP, English. Five years na sila ng boyfriend na nasa Dubai. Hwoooh. Hindi Arabo yung boyfriend, nagtatrabaho lang dun.
  10. Clariza - tahimik eh. Di ako masyado nakaupdate. Basta PUP siya tas 73.50 pesos lang ang tuition niya sa isang sem. Grabe!
  11. Diane - Girl na! I mean, girl talaga siya. Basta. FEU Nursing tas 58,000 pesos ang tuition. Agggghh.
Ayun, ang onti namin. Daming nagbackout. Si Ronalee ay nasa Macau, fieldtrip. Powtek, akala ko pang Lizzie Mcguire lang ang ganun. UST, Interior Design kasi. Lea, ewan, UST HRM. Genevieve, may pictorial kinabukasan. Ewan ko kung asan yung connect. Quency Mae, umakyat na pabalik sa Ilocos. Apparently, bumaba kasi ang alam may reunion. Ahahahay.

Basta marami pa. Nakalimutan ko na.

Sana meron ulit.

*late posting.

No comments: