Hindi Ako Malansang Isda

Dahil ang pag-ibig ko ay isang mumunting bulaklak na pipitasin lamang upang ialay sa ikasasaya ng kasintahan ng iba.

O kung hindi man ay, dahil sa di kagandahan, mananatili sa pisngi ng lupang malamig, maluluot, maninilaw, maghihintay sa kailanman ay hindi darating.

Shet. Cliche yung last phrase. Dinugo ata ilong ko. Bakit nga ba hindi ako nawili (shet) sa malalalim na Tagalog noon? Haha. Nabigyang-diwa (sheeet) ako ng epilogue ng Kiko Machine Komix Blg. 3! Oh yeah. Tuwang tuwa yung kapatid ko sa nabili kong blg. 2 noon kaya linagay niya sa wish list niya nung Christmas eh yung blg. 3. Ayun, rinegalo naman nung nakabunot sa kanya. Weee.

To err is human, to errs is humans.

More makabagbag-damdaming salawikain after the cut.


* Ang buhay ay parang bato, it's hard.
* Better late than pregnant.
* Behind the clouds are the other clouds.
* It's better to cheat than to repeat!
* Do unto others ... then run!!!
* Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
* Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
* When all else fails, follow instructions.
* Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
* Ang taong nagigipit ... sa bumbay kumakapit
* Pag may usok ... may nag-iihaw
* Ang taong naglalakad nang matulin ... may utang.
* No guts, no glory... no ID, no entry.
* Birds of the same feather that prays together ... stays together.
* Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
* Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
* Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.
* Birds of the same feather make a good feather duster.
* Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
* Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
* Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
* Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
* Better late than later.
* Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
* Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
* No man is an island because time is gold.
* Hindi lahat ng kumikinang ay ginto ... muta lang yan.
* Kapag ang puno mabunga ... mataba ang lupa!
* When it rains ... it floods.
* Pagkahaba haba man ng prusisyon ... mauubusan din ng kandila.
* Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
* Batu-bato sa langit, ang tamaan ... sapul.
* Try and try until you succeed... or else try another.
* Ako ang nagsaing ... iba ang kumain. Diet ako eh.
* Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
* Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
* If you can't beat them, shoot them. (Nalundasan)
* An apple a day is too expensive.
* An apple a day makes seven apples a week. (really expensive)
* Aanhin pa ang damo kung ang garden mo'y sementado
* Aanhin pa ang damo kung bato na ang uso

2 comments:

tummy-tears-still said...

haha leo pinasaya ako ng entry mo. ahuhuhu.


ai bat ahuhu?

leoo said...

Ay Kate abnoy ka talaga! Hahahahaha!