Tinext ako ni Tintin kahapon na may tyangge ng mga ukay-ukay si Yetlen sa Cubao Expo. Eh tamang-tama nasa vicinity ako. Pumunta ako at nakita si Yetlen at ang kanyang linalangaw na pwesto. Hahaha. Cool, si Yetlen young entrepreneur! Wala lang, para kasing yung term eh for model youth lang on which di ata bagay si Yetlen. Hahaha, joke lang.
Anyway, hindi si Yetlen bida dito pero dahil sa kanya, napapunta ak0 sa Cubao Expo. Ang daming cute! Cute na panregalo. Hehe. Hindi mga manang yung mga nagtitinda kundi mga university artsy fartsy people na cliche na tanawin sa Cubao Expo. Si Yetlen artsy fartsy? Ewan, miracle talaga na andun siya. Di naman niya sinabi kung paano siya nagkaroon ng ganung raket.
Anyway, hindi nga si Yetlen ang bida. Maraming cute na toys at panregalo (dejavu?). Merong:
1. Mugs (na may nakadrawing na seksing babae with the boobs embossed)
2. Maliliit na pokemon na 5 pesos lang! (bwiset, nalaman ko nalang kanina na tres lang pala yun sa kapitbahay namin; napamahal pa ako. harg.)
3. Mga NOTEBOOK NA WALANG LINYA. With a very cute cover courtesy of Electrolychee. Yup! Andun ang Electrolychee!! Magpapakajologs ako at dadamihan ko ng exclamation points!!! Electrolychee!!!!! Duh. Kaso epal eh, 250 pesos. Pucha nakagawa ako ng notebook na walang linya for 90 pesos. Wala nga lang cute cover pero bah! Gagawa ako. Ang liit pa, one-fourth lang siya ng bond paper. Pang-"wala lang".
4. Mga sobreng may art. Pati stationery at posters.
5. Meron ding sabon, lighter, metal sculpture?, suklay na kahoy, alkansya, hikaw, bracelet, singsing.
6. Sobrang daming damit pambabae at konting oversized na t-shirt ng mga lalaki (konti na nga lang eh oversized pa).
Pero hindi yun yung main point. Nakabili ako ng KIKO MACHINE KOMIX BLG. 2!!! Full title: Kiko Machine Komix Blg. 2: mga tagpong tila nagpapakaweird, kunyari pa-deep, sarap sapakin. For only 100 pesos. At di lang yun, MAY AUTOGRAPH PA AKO NI MANIX ABRERA himself!!! Wooohooo!! Nameet and greet ko pa siya. (Actually, nameet ko na siya pero hindi greet at di rin niya ako nameet nun. Gulo. Basta kilala ko siya by face. Tapos.) Ang tamang term: rubbing elbows. Ackk. Kilala niya na ako! Ang swerte niya! Weee!! Hwoooh! Gusto niya sanang makipag-usap sakin kaso nahihiya siya. Hahaha. Tsaka maraming people around. Sayang wala akong kasama at jijicam para pichuran kami. Para naman may souvenir siya. Wahaha.Di naman talaga ako fanatic. Nang-iinggit lang. Bwahaha! Belat. Sayang wala akong jijicam (ninakaw ko lang ang pichur diyan). Pipichuran ko sana para full-time ang pang-iinggit.
Ang saya nung comics. Super funny (hihi, ang konyo. epal.). Punta tayo next week! Bibili ako ng Blg. 1.
Rak en rol!
==
Belated Haburday kay Imma! Di ko siya binati ng Happy Birthday pero binati ko ng Happy Feast of The Immaculate Conception. Hihi!
4 comments:
hoy leo! bugbog naman pangalan ko sa entry na 'to. buti kung maganda nakalagay e. hahaha
Woot. Sino ka? Yetlen o Manix Abrera? Wahahaha. Hayaan mo, si Manny nga Pacquiao naging millionaire sa pabugbog sa kung sino sino eh.
you're so funny! haha. sino naman si yetlen?! siyempre si manix abrera ako! :0
Weh joke time. Bakit ako maniniwala?
Post a Comment