Boo Boo Bootiki

Nakahuli ang kapatid ko at mga friends niyang jologs ng butiki nung isang araw. Kawawa nga eh: putol na yung buntot at may sugat pa sa mata. Mga walang hiya talaga. Kinuha ko nalang kasi wala naman silang gagawin dun.

So for 10 minutes, nagbonding kami ng butiki ko (di siya kumawala ah, mahal niya ako. eeek). Malamig at makapit sa balat. Dumating yung resident pusa na di naman namin pet pero dumadalaw para sa free food. Linapit ko yung butiki sa kanya. Wala lang. Kasi nung linapit ko yun sa aso eh tumakbo yung aso namin. Wehehe.

So nagtitigan sila for a while.

Biglang tumalon palayo yung butiki.

Hinabol ng pusa.

Naabutan. Kinain.

SHET. Bitch yung pusa! Di ko naman alam na kumakain pala ng butiki ang mga pusa. Huhuhu. Kasalanan ko pa kung bakit nawalan ng buhay ang kawawang nilalang. Pinain ko siya sa kalaban. Wala akong kwentang kaibigan. Traidor! Mehhn, so sad hirap makasleep the night after when your konsyensya makes bagabag you.

Sinipa ko nalang siya bilang ganti. Pero binigay ko na rin yung putol na buntot na naiwan sa plastic nung hinuli siya. Yummy.

Gusto ko ng iguana. :)

2 comments:

hello there said...

i feel for the butiki. :(
condelence leo, para sa loss ng isang panandaliang kabonding, punta ka na lang sa amin, marami kaming butiki. patabain mo na lang para magmukhang iguana. hoho

leoo said...

Aynako nalungkot tuloy ako nung nabasa ko ang comment mo. Naalala ko ang mapait na pangyayari. Hehe.

Yuck, naiimagine ko, ang pangit nung butiki. Super taba.