Parang nasasapian na naman ako. At kailangan ko nang isulat kasi nakakabaliw na. Obsessed na naman ako!!
Malapit na kasi ang TRANSFORMERS THE MOVIE! WOOHOO! Napanood ko pa yung trailer kanina sa TV! Tumatayo ang balahibo ko sa excitement! SHETT! RAAAA! RARARARAR. Grabe di parin nawawala. Naeexcite pa ako lalo. Lalalamramrmamsmsfkhfkjds. EEEEEE.
Hahaha. OA na. Pero excited na talaga ako ehh. Panonoorin ko yun first day palang. Kahit wala si Anali or Caloi para libre. Kahit magisa lang ako. At dun ako sa SM para pwedeng ulitin. Woohoo!
Eh kasi big big big fan ako ng transformers nung bata pa ako (well, obviously until now). May mga laruan pa ako nun ng mga truck or airplane or cars na pwede mong itransform into robots. Kaso nawala na. Tas memorize ko pa sila nun! Sila Optimus Prime ng Autobots at Megatron ng Decepticons. Si Bumblebee at ang kanyang human friends. Kaso medyo blurry na yung kwento sakin ngayon. Eh what, 4 yrs. old palang ata ako nun. Basta ang sure akong alam ko ang kwento eh yung sa Beast Wars na continuation ng Transformers. Yung mga hayop na nagtatransform at ang setting ay Earth. Yun for sure. Mga 7 yrs old na ako nun at bihira akong makamiss ng isang episode. At natapos ko yun hanggang sa super last: Beast Machine Transformers - nung bumalik na sila sa Cybertron. Hala! Adik talaga. Tas hanggang ngayon nagriring parin sa utak ko yung sound ng intro. Parang Alias type music pero jungle-ish. O kaya yung sound kapag lilipat ng scene. Yung parang lalabas yung logo at whatever. Basta.
Di ko mapigilan ehh. Sana lang matino yun kundi... ewan. Eh yung trailer maganda na eh. Sana lang! Eto na yung movie na pinakamatindi kong inaabangan. Mas matindi pa sa Harry Potter (oo, inabangan ko talaga yun). Ha! At kasabay pa nga niya yung HP 5. Feeling ko taob na ang HP. Wehehe.
Hehehe. Iba talaga pag narerelive mo ang childhood moments mo. Sana ang Power Rangers may movie rin. Hehehe. Pero Transformers parin. Ang main advantage over many of this kind eh yung story. Ang creative kasi ng pagkagawa. Unlike Spiderman or X-Men, there is the big new world na inimbento and a plot that is uniquely written separating it from other Marvel stuffs. Tas yung flow ng story eh will always keep you craving for more. Or maybe I'm just illusion-ed kasi naeexcite ako.
Ah basta basta basta. Nakikiliti lang talaga ang pagka-isip bata ko. RARARAR. Excited parin ako. Saan kaya may DVD ng cartoon? Hit the fansites.
Leo Maximize!
(chikchikikchikchik)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
isang tanong: bakit hindi ko lam ang the transformers? ahuuuu.
as in. ano ba yun?
ang tanda ko na ba?
Naman Kate! Kasabayan yun ng Akazukin Chacha, Sailor Moon, Power Rangers. Remember na?
lahat yun naaalala ko EXCEPT dun!
omg!
Uy grabe ka naman! Tanong mo Kuya mo kung bakit.
Post a Comment