It has been a while.
Anyway, so Spiderman just set out hyperboles everywhere. At makikiride ako sa number 1 topic sa blogs at internet news ngayon.
The movie skeds section of Manila Bulletin last Sunday was very very astounding. Parang nagkaron ng sira ang printing press at nasulat ang Spiderman 3 ng sobrang daming beses sa buong page. Parang The Matrix: yung green letters dun na paulit ulit. Sa lahat ng cinemas na open eh Spiderman 3 nalang. Maswerte na yung iilan na nakasingit. All cinemas sa SM Fairview, Manila, Bacoor, Bicutan, Sta. Mesa, Sucat, Robinson's Novaliches, Metro East, Eastwood, Greenbelt, Gateway, Glorietta ay Spiderman 3 ONLY. 8 cinemas sa North EDSA at 10 sa Megamall. WOW. Akala boombastic na yung Harry Potter 3 na naka-apat sa SM North sa opening. Walang tatalo talaga.
Sabi Clickthecity, record holder na yung gagamba sa pinakamaraming kita sa Pilipinas on the first day. At natalo na rin niya yung Pirates sa pinakamaraming kita sa first week WORLDWIDE. Wala pa siya sa Box Office list ng IMDb pero kung titingnan, pasok na siya sa top 100 (at 350 million dollars). First week palang yan. Now I'm excited. May tatalo na rin sa Titanic!
Kawawa naman si Drew Barrymore at Eric Bana. Taob na kaagad sila. Pati narin sila Ai Ai Delas Alas. Di na nila masasabing, "Now on it's third week!". Pag titignan mo kung ano yung iba pang movies na nagopen this week, you would ask, "Ano yan?". Walang ibang anticipated movie. Spidey owns this week.
Pero in fairness, kung lumabas ang Harry Potter 5 at Pirates 3 at Shrek 3 this week eh siguro di rin ganyan kalaki ang kinita ng Spiderman. Those big movies just dodged Spidey para mamaximize rin siguro ang kita nila. And I never expected na magiging ganyan kalaki ang welcoming day ng Spidey. I thought just like any other big films lang din. Wow.
Hay, sana sa 2030 eh iremake nila ang ZzaZsa Zatturnah (ang panget panget kasi nung kailan) at jojombagin niya si Tobey Maguire sa paramihan ng kita. Weee. O kaya si Pedro Penduko! Hehehe.
Pag comics turned movie eh malaki talaga ang kita. Try kaya natin ang Pugad Baboy? Kaso walang fantasy. Walang special epeks. Edi ang Mikrokosmos nalang! Mga nagsasalitang lamok!
Spidersmens
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
walang tatalo sa titanic.. feel kolang ah.
para kasing hindi na uulitin ang sipderman kapag napanood na. ewan. parang yun yung mga superhero movies, one time lang.
WEH ANUBATO. ako nga 2 beses ko na napanood yung spiderman eh, isipin mo pang bawal ulitin dito, at 3 days palang na showing yun dito.
AHAHA.
Huh? Kate, ano ibig mong sabihin na bawal ulitin?
leo, feeling ko kaya super ung earnings nung movie dahil people were anticipating it. kasi parang siya na ung last. bet tayo mas malaki kita ng pirates of the caribbean.
inulit ko panuorin yung spiderman baka sakaling matuwa ako ulit..pero hinde pa rin eh. masyadong cliche walang something new.
titanic? hmm.. parang miniseries na yun sa haba eh. hehe. pero amazing yung sem-docu feel niya. mas nadama.
Kate! Adik ka! Hahaha! Ang ewan mo, nicontradict (what a word) mo rin ang sarili mo.
Edi yung tatalo sa Titanic yung tipong uulitin pag napanood na. Hehehe. May mageexist ding ganun. Ako gagawa.
Kimie, feeling ko ibig sabihin ni Kate eh yung magsstay ka lang sa moviehouse para panoorin ulit.
Hannah, eh parang mas anticipated pa nga ang Spiderman. So kung yun ang batayan, mas mataas nga earnings niya.
Feeling ko matatauban ng Pirates ang Spiderman kung, sabi nga ni Kate, magiging tipong uulit-ulitin mo siya.
Anali, oh well, mapapanood ko rin (sana) ang Spiderman at tingnan natin.
Post a Comment