I woke up today with several reasons for being so depressed.
1. Pinamigay ni Mama yung kuting na pusakal na iniwan ng pusakal na nanay niya sa tindahan namin. Sa bahay ng nagrerenta siya nanganak pero dinala sa tindahan. Yung kuting na yun lang yung nabuhay. Eh kasi may emotional attachment na ako dun (yuck, hehe) kahit na ilang beses na niya akong kinalmot at tinry kagatin (pero bati na kami recently; hirap talaga manligaw). Kanina dumating yung nanay (yeah, everyday binibisita ng nanay yung kuting para dalhan ng food or papadede-en) at hinahanap niya yung anak niya, meow-meow nang meow-meow pero di niya mahanap.
Kaya pinagalitan ko si Mama. Hehe. Sabi ko bawiin niya yun. Una, malambing naman yung pusa. Alam niyo yung kinikiskis niya yung katawan niya sa paa mo tas ang silky ng feeling. Pangalawa, di naman mabaho ang pusa kahit pusakal yun. Mas mabaho pa aso namin na once a week pinapaliguan.
2. Dumating ako sa bahay kahapon ng pagod na pagod kaya 5:00 palang, natulog na ako. Sabi ko gigising ako ng madaling araw para kumain tsaka mag-aral para sa 7:00am exam sa Physics kinabukasan. Ayun, di ako nagising! Ahay. At di na rin ako nagbasa, kahit sa jeep. Pinamper ko nalang sarili ko para maging overly confident. Relativity pa naman yun. Shet. At mas malala, naiwan ko yung matinong calculator sa bahay. Dala ko yung single lined. Argh. At isa pang mas malala, ang traffic talaga sa Commonwealth Avenue. Kaya 30 minutes akong late sa exam. Ashoosh. Bahala na. It's very troubling that after the very masipag days of 2nd sem, ang pariwara ko na ulit.
3. Sa binigay ni PGMA na Php 500 M para sa pagbuo ng Science Complex, kasama na dun ang bagong Institute of Chemistry (at anglaki!). Completely mabubuo na ang National Institute of Physics (yung maganda talagang building sa malayo) at and Department of Mathematics. Di pa kasama yung sa MBB, Biology, etc. Nabuo na yung NIGS. Nakakadepress kasi di ko na yun maabutan. At kung mapabilis man ang pagbuo nun dahil sa tuition fee increase, di ko parin talaga maeenjoy ang new UP. Mag-Mamaster's Degree nalang ako. Hehe. At dahil siguro sa tuition fee increase eh mabubuo na rin yung Engineering Complex. Yun yung nasa lugar ng present College of Architecture. Malaki rin pero mas malaki ang Science Complex. Weird lang kasi wala dun yung AIT at NCPAG. Weird ulit kasi kasama sa plano ang Krus na Ligas (Does this call for demolition? Paano na yung toot ni toot? Haha.). At since 1994, plano nang gawing commercial center ang lugar na asa kabilang side ng Comm Ave. Yun yung lugar na balak patayuan ng Ayala blahblah ng mall, technopark, AIT hotel, etc. So matagal na pala yun pinlano, ngayon lang may umako. Oh diba, ganda! Kaso di ko na yun maabutan. Sana mareincarnate ako agad.
Article of awarding of Php 500M.
Proposed UP Land Use Program.
Proposed CS Complex.
Down Down Down
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
leo may bago na kong advocacy.. ayoko ng animal domestication. wala lang, naaawa lang ako sa kanila. pati sila naaapektuhan ng pagfifeeling superior ng mga tao. but i love cats. yun lang!
Post a Comment