My middle finger is the only one up for CRS.
Akala ko swerte na ako sa CRS. Kasi nung may kumalat na news na sa Grades Viewing makikita ang mga enlisted subjects, nakuha ko LAHAT maliban sa Physics 73. Wow diba? Akala ko nawala ang sumpa ko.
Hindi pa pala.
Nagkarambol rambol mga sections ko. Yung inenlist ko ng umaga, napunta sa hapon (and vice versa). Yung inenlist ko ng MTh, napuntang TF. Para bang ang CRS ay may sariling utak at ginawa ako ng schedule na sobrang layo sa pinlano ko. So anong sense ng pagpre-enlist ko kung gagawan rin naman niya ako? BWISIT.
Sa ginawa niyang sked eh wala akong mapaglalagyan ng Physics 73 kasi lahat ng sections ng Physics 73 ay conflict. So ireremove ko LAHAT nang may conflict. Kaso puno na sila eh. Yeah, pila ulit sa enrollment! We're back to the patience-draining manual enlistment. I'm going to see those faces in PH 1100 again. Lalo na si Ma'am Montero. Yung halos iyakan ko nung Chem 17 enlistment nung second sem last year. Yung ilang beses kong pinilit nung Chem 28 enlistment nung last sem. Siya ulit! Wahay, ito na naman ako.
Shhh.. Ayan. Inedit ko. Masama kasing magmura. Dapat di tayo padadala sa bagwis ng mga nagbabagang damdamin.
You Know, The Usual CRS Dilemma...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment