So marami rin pala silang baboy. May payat na baboy at may matabang baboy. Lahat sila ay natutuwang baboy sila. Di nila alam na sa pagiging baboy ay napakababa ng pagtingin ng iba sa kanila. Siguro nahihiya nga silang baboy ang magiging tawag sa kanila kaya kanila itong linihim at maging ang isa't isa ay di alam na baboy rin yung isa.
Kailan lang ay nakakilala ako ng isa pang baboy, Akala ko eh hindi siya magiging ganun pero dahil sa ganda ni Aling Tekla eh nabighani rin siya at napagdesisyonang maging baboy na rin. Gusto ko sanang ipayo na walang patutunguhan ang pagiging baboy dahil pagkalipas ng ilang buwan, kunwari ay natutuwa sa iyo si Aling Tekla ngunit kakainin ka rin niya.
Si Aling Tekla na nakikipaglaro sa mga baboy at hindi sa mga mas malilinis na aso. Walang nakakaalam kung may asawa na siya pero marami nang lalaki ang dumaan sa buhay niya - siya rin ang nangiwan. Kawawang mga lalaki. Dahil sa pagiging abandonada ni Aling Tekla ay naging magisa na lamang siya sa buhay at binigyang pansin ang mga malarosas na kaawa-awang baboy.
Pucha naman oh! Bakit naman kasi ang ganda ni Aling Tekla!
At kahit kailan, hindi na ako babalik sa mabantot na kulungan kung saan mo ako pinatira. Kahit na naging masaya ako kahit papano.
Si Aling Tekla
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment