Double Digest

13 days daw after nung laban ni pacquiao yung ultra stampede. 13 days after nun eh yung landslide naman..hahaha! iba talaga ang tinikng number 13! 13 days after eh march 2 at parang alam ko na ang mangyayari nun..wahay.. aalis kaya si gloria? weee! ayoko. natutuwa lang ako na nakakaranas ako ng isang unique at historical na pangyayari sa bansa. na nabuhay ako sa panahong ito. hehehe..natuwa eh noh?

ang gulo na ng pilipinas! haynaku.. ang ewan. ilang weeks na tayong headline sa cnn at bbc(?)! nakakahiya! pati sa msn at sa kung ano anong may news na search engine. di ako nanonood ng cnn pero yung pinsan ko, oo. nakakahiya pero astig. waaaaw! headline tayo! sikat na naman ang pinas sa mundo! hahahahaha! astig talaga!

di ako nanonood ng news kasi naaapektuhan talaga ako. nung napanood ko yung landslide, nadepress ako hanggang sa pagtulog. naimagine at napanaginipan ko pa yung sarili ko na asa school na natabunan kasama ang mga students at teachers. shet. katakot talaga. pag nakikita ko yung mga pulitiko na nagsisisihan, naiinis ako ng sobra at nasisira ang araw ko. bah.. wala naman silang nagagawa. ayun.. kaya i may be un-nationalistic but i care of my moods. haha! makasarili ako.

change topic.

nung isang isang isang araw. actually, matagal na. isang araw na super rare kasi super aga akong nakauwi ng bahay. pagkabukas ko ng gate, may sumigaw sa likod ko. si mama. wag daw ako pumasok sa bahay. andun sila sa kabilang side ng street, nagkukumpulan. sinilip ko yung bahay, mukhang may nag-aaway. may isang may dalang pamalo. may nagsisigawan. takot ako.. sumama ako sa kumpulan.

ayun.. sinabi sa akin ni mama na may.. tentenenen. wild cat! na nakapasok sa bahay. ewan.. nangangalmot daw at kung papalabasin mo eh lumalabas naman ang kanyang mga pangil (baka may rabies!) at nagtatangkang mangalmot. andun ang aming kapitbahay, kasama si papa at pinsan ko at isa pang kapitbahay. may dalang mga kung ano na panlaban sa pusa. nasa pamahiin kasi na wag patayin ang mga pusa kaya di nila pinatay. bad daw yun. malas. eh si papa pa naman eh collector ng mga pamahiin. katakot! hehehe.. sila natakot. ako tumatawa. mukha silang mga tanga na akala mo eh may kalabang wild tiger na nakatakas ng zoo. pusa lang pala. mga 30 minutes akong naghintay..

lumabas yung pusa sa bahay. nagtilian ang mga tao. at nakakatakot pala talaga! grabe.. ang lakas ng courage nung pusa! mukha nga siyang tiger! mataba pero di parin ganun kalaki.. gray yung kulay at kaiba sa mga ordinary pusakal kasi mataba siya at isa lang ang color. gray. gray na may streaks of light gray. ewan. cute pa nga eh.. kaso wild talaga yung itsura. yung tipong roar ng mga leon per mas cute. try mong sabihin ang roar na maliit pero di sinasabi ang word na maliit. say "roar!" haynaku. whatever. basta! mini-roar na nakakatakot.

ang dalawa naming aso ay asa labas ng bahay at nung nakita nila ang pusang tumatakbo palabas ng bahay eh linapitan nila para you know.. dakmain at ibully. pero sila ang nabully! grabe! nakakatawa sila! mga asong biglang natakot sa pusa at tumakbo palayo. yung isa pa nga eh mangiyak ngiyak pa. poor them. pinacheck na namin kung nagkarabies yung aso namin, wala naman. ayan.. naembarass naman yung mga aso namin.

mahaba ang description kung pano hinuli at medyo boring naman kaya wag nalang. basta yung dulo nun eh nahuli yung pusa sa leeg at binitin at pinasok sa isang sako. at roar! nagroar ang buong community! parang may nahuling isang drug addict! last looks ko sa pusa eh duguan ang kanyang bunganga tas matibay pa rin. pinalo sa ulo hanggang sa medyo nahilo na. tinapon daw yung sako sa isang creek.

yung may-ari ng pusa ay isang bata na kapitbahay rin pala namin. di alam ng pamilya ang mga nangyayari nun kaya nung nalaman nila kung anong ginawa sa pusa, halos idemanda na nila yung mga sangkot sa pangyayari. may breed pala yun! kaya mataba at di mukhang pusakal. ay wawa.. tas pinuntahan pa talaga nila yung creek para hanapin yung pusa. nahanap naman nila tas kinuha. almost dead at di na kumakain. nangayayat ng sobra. kawawa talaga. naging depressed yung bata at alam niyo na yun.. yung tipong nawalan na rin ng gana sa buhay. bumuti na daw yung pusa pero matamlay pa rin. matamlay rin yung bata. kasabay ko siyang umalis ng bahay papuntang school eh.. buhay pa kaya yun?

--

give me a break. one week. sa march 2 eh balik na ako sa dati. kung kailan baka may mas malaking mangyayari sa pilipinas at kailangang masaya na tayo kasi baka may di masaya na sasambulat sa atin.

No comments: