akala ko nanonood lang ako ng isang action movie...
ang aga ko umuwi kanina.. 1:00 palang asa bahay na ako! what a miracle! hehehe.. pero bumalik rin ako ng up ng mga 3:30 kasi bigla kong naalala na overdue na pala yung book na hiniram ko sa college of science tas dahil engeng yung nagxerox ng calculus book ni andrei (ang daming malabong pages at maraming putol..), hihiram na rin ako ng book na yun. ayun.. dumaan ako dun sa may overpass sa may gym.. yung nagkokonekta sa AIT at gym. yung pink at blue bridge. sumakay ng ikot. pumuntang lib. sumakay ulit ng ikot pabalik ng gym. 5:30 na ng makabalik ako ng gym. lumabas ako dun sa gate papuntang commonwealth avenue.. naghintay ng jeep.
may nakasalubong ako. babae.. sabi niya may barilan daw sa kabilang kalye. sabi ko naman.. po? akala ko nababaliw lang siya. tumingin ako sa kanilang kalye. may isang abandonadong jeep. pero di ko siya matignan mabuti kasi heavy ang traffic sa kabilang side ng daan. walang laman yung jeep.
tapos.. may lalaking malaki ang tiyan at nakasuuot ng puting t-shirt. may dala siyang baril. yung babaeng nagsabi sa akin, dali daling pumunta papuntang gym. ako naman, bat siya may baril? pellet gun lang siguro yan. siguro baliw rin siya. tapos para siyang naglalaro ng baril barilan kasi nakaposing rin siya nung katulad ng mga action movies. pinanood ko lang siya.
sumigaw siya ng TIGIL! at tinutukan ng baril ang isang mamang nakaitim na t-shirt at itim na shorts na may itim na backpack. sinundan niya yung lalaki. tapos yung lalaki eh parang wala lang.. nagpara ng jeep tas sumakay. siguro nga baliw yung mamang nakaputing t-shirt. hinabol nung mamang may baril yung jeep. pinatigil niya.. dito umatras na ako palayo. pabalik ng gym. kasi yung mga asa likod ko. mga osyosera.. umalis.. tumakbo. edi bumalik ako sa may parang corridor na nagdudugtong sa may gym at gate. pero medyo malapit sa gate. para parin akong nanonood ng action movie. naghiyawan ang mga tao sa loob ng jeep. dalidali silang lumabas na parang mga langgam na linunod ang bahay. ayun..
may barilan na. yun pala ang tunog ng baril kapag malapitan. nagbarilan yung holdaper at yung pulis. may isang babaeng nagtago sa likod ng poste ng overpass na parang umiiyak. parang asa tv! andun ako kahit yung mga matatanda eh nanonood mula sa gym. ako.. malapitan! wahaha.. umatras ako.. kasi baka matamaan ako diba? nagtetext ako sa mga tao na owmaygaaad! malapit ako sa isang barilan! totoo ba to?? help! di nga naniwala si anali eh.. kasi di ko feel na asa barilan nga ako. nagbaril baril sila. pero di ko na makita kasi medyo malayo na ako. nasa halfway na ako ng corridor. baril baril baril. ang cute ng tunog. sinasagutan ko pa nun yung quiz ni pay na dinistribute niya through text.
PAY
she is my: pet
nakita ko siya sa: manila zoo
gusto ko siya kasi: she's cute and cuddly
ang di ko malilimutan sa kanya: ang kanyang roar at yelps
ang message ko: wala kasi di naman niya maiintindihan eh.. wahahaha!
parang ganyan. hahahaha. tas nagreply pa ako kay kristine kung san yung exam sa math at kay ate donna kung ano kasama sa exam. hihihi.. with all the special effects of baril.
tapos.. wala na! di ko na alam kung anong nangyari. pero may mga may camera ng dumating at dumami na yung pulis. namatay ata yung driver na asa kabilang kanto. di ko na inalam. bumalik ako sa may paradahan ng jeep habang may mga osyosera pa rin na asa likod ko. sumakay ako sa kaunaunahang jeep na dumating.
dumating ako sa bahay at saka ko narealize.
SHIT. NAKASAKSI AKO NG BARILAN.
ako ay isang star witness! hahahaha.. joke lang. ako ay isang star. hindi witness.
Reality Action Movie
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment