haynaku. binabawi ko na na mas maganda yung narnia sa harry potter. siguro masyado lang akong puyat kaya nasabi ko ang mga ganung bagay. di niyo ba tiningnan yung oras nung post na yun? four o'clock pa yun ng umaga!
mas maganda pa rin ang harry potter. well, maganda pa rin ang narnia pero ehhh.. fairy tale-ish. ayun. namatay yung witch. sana maganda yung pagkamatay pero hindi ehh. ah basta. great yung twists ng harry potter.
new year na! as usual, january one pa rin ang pinkamalungkot kong araw sa buong taon. kasi walang nangyayari at you know, everything we percieve is relative to something. kaya ang boring boring tingnan ng january 1 (unless, aalis ka ng bahay at mamasyal sa mall) kasi ang saya saya ng december 31. yung dec 31 naman ngayon eh di rin ganun kasaya.. basta! i felt something drained out of me. natulog ako ng three ng umaga - super early compared nung past new years kasi natutulog ako ng six pa. hehe.
pero mas maraming fireworks. pupunta ka lang sa tuktok ng bahay at parang pumunta ka na rin sa pyro olympics sa dami ng fireworks na lumilipad sa langit. marami kasing may advanced na relo kaya pinalipad nila ang mga fireworks nila ng mas maaga. enjoy naman kami! hehe.. lalo na dun sa eastern side - yung ata yun bf homes. home of the very rich people.
boring.
ahhh!!!! wala akong magawa!!! di ko pa alam kung pano gawin yung formal report sa chem. huhu. ang haba pa.
ay! ay! wala pala akong christmas post! siguro kasi parang dumaan nalang siya ng wala lang. i expected so much. nagkasalisi ata kami. hehe. bumati pa ako individually.. tsk. ayun. mga kalahati lang naman ang nagbring back ng wishes ko para sa kanila. in short, iilan lang ang nagreply. kaya nung new year, isang message nalang para sa lahat. at di ko na sinendan yng ibang di sun para tipid. aahhh!!! wala talaga akong magawa!!
ang sarap ng salad ni auntie ga!
Boredom's Child
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment