HAPPY 18th BIRTHDAY ANGELINE!!!
Ang Mga Anghel na Mukhang Langit
ayan! for a long long long looooooong time, nagkaroon na rin ulit ng picture ang blog na ito. ang mga asa pichur ay sina: (from left to right, bottom to top) jeremy (asan na kaya yun??), james, tin-tin, amanda (the three oldies. 18 plus na sila!), si jen, kate, gelene, ANGELINE (ang kakaburpdei lang.. 18 na siya! ako 16 palang!), anali, kimie, LEO (omaygad.. ang cute niya!), lorine, yayis (ang liit niya dito.. malaki yan sa personal! joke.), ruth, imir at caloi.si angeline yung devil kasi redundant (tama ba spelling) kung mag-aangel pa siya.
MISS KO NA ANG QUESCI!!!
nung friday pumunta ako sa quesci.. kasi pinapapunta ako ni sir ian. di ko na ikwekwento kung bakit kasi wala namang masaya dun. miss ko na ang..
1. pagpasok sa sm ng may guard na haharang sayo! andami kong nakitang ganito.. ang saya!
2. pagbabad sa mcdo kahit periodical exam. kahit walang pera. kahit maraming project.
3. pagtakip ng ilong habang dumadaan sa urinal ng mga tricycle drivers.
4. ang cheeseburger meal.
5. si manong guard (marami sila actuali) at ang logbook na lagi kong pinipirmahan kasi lagi akong late.
6. ANG CANTEEN. ang pinupuntahan ko kahit wala akong kasama. kasi kahit di siya nagsasalita, siya ang aking tinatkbuhan sa oras ng kalungkutan.
7. ang mabantot na cr sa mathay1. na hirap na hirap akong magbihis nung second year para sa pe kasi laging basa yung floor. at kasi.. nyahaha.
8. ang dungawan ko sa calalay building. yung sa tapat ng curie4 room dati. yung tinatapakan ng siko ko at setting ng mga mata kong laging naghahanap. noon.
9. ang nakakatakot na cr sa sci-tech building. ang gloomy lang. minsan pag ihing ihi ako, papasok ako sa cr ng girls at doon iihi. katakot kasi yung sa boys.
10. ang biology garden. at ang mga damo na binunot, winalis, diniligan, tinapakan, minura, pinagtapunan ng pawis, kinayod ng walis tingting and everything. naaalala ko dun si viƱa. hehe.
11. ANG SOCCER FIELD. doon ako huling naging super saya noong highschool. bakit? secret. haha. at hanggang ngayon, yun ang nagbibgay sa akin ng hope na mayroon nga akong hinihintay.
12. ang 2nd floor ng mathay2. lalo ng sa fire exit sa side ng bleachers. ang pugad noon ng mga pda ng mga relasyong naging extinct na ata. curie3!!
13. ang bleachers. kahit di ako masyadong umuupo.
14. ang corridor ng second floor sa admin. yung part na gawa sa kahoy. at ang mga panahon ng hiyawan at larong pambata ng gawa ng avogadro1. si miss gapas, sir chua at mam paningbatan.
15. ang prayer room na bihisan ko ng pe uniform nung first year. at ang cubicle ng mga dustpan at walis tambo sa loob ng avo room na pinagbibihisan ko naman kung wala na akong mapagbihisan.
16. ang upuan kong fourth year. consistent kasing upuan yun. tuwing lilipat eh daladala ko talaga.
17. ANG COVERED COURT. kung saan ang ikalawang pinakamasaya ko eh naganap. kung saan kami nanonood este nagdadaldalan kapag may presentation, awarding, announcement. kung saan nagaganap ang flag ceremony na di ko naaabutan.
18. ang fx sa may philcoa na lagi kong sinasakyan papuntang skul kasi pumapasok talaga siya sa quesci. edi wala ng lakad! kaso di rin ako nakakapasok kapag sakay dun kasi lagi akong dumarating sa quesci ng sarado na ang main gate. sama na rin natin yung mukhang pusod na barker sa may philcoa.
19.ang english center. medyo lang.
20. ang conference hall. kasi malamig. kasi lagi akong andun kapag excused. kasi masarap magkwentuhan dun kapag may career talk, kapag may awarding, kapag may bwisita. kung kailan nawawalan kami ng klase. bawahahaha. masarap din matulog dito.
21. ang pwesto ko sa labas ng curie noong fourth year kapag periodical kasi maganda ang view at napapasagot ako ng tama.
22. si mam rodriguez. ang ot-ot kong teacher sa statistics na walang ginawa kundi magpasulat ng magpasulat at magpaapply ng formula sa amin. PERO ISA SIYA SA PINAKAGUSTO KONG TEACHER SA QUESCI NOON. miss ko na talaga siya kahit di niya ako kilala. kahit ayaw ng iba sa kanya kasi mukha siyang janitor. dahil sa vest at scarf. dahil mahilig maglinis.
23. ang pag-gising ng maagang maaga (5:00 am) at pagligo ng walang malay. ang pagpanggap na umeebak ka pero natutulog ka lang sa cr. ang paghahanap ng medyas. ang paghahanap ng sapatos. ang pagtulala sa harap ng pagkain kasi wala akong gana.
24. ang paggising ng maaga pero late di darating.
25. si ate duday at ang kanyang mahiwagang saging con yelo at shake. kasama na rin ang masasayang staff ng canteen at si kuyang super sungit. yung mukhang chinese. yung laging kasama ni ateng mukhang masungit.
26. ang computer room noong first year. kung saan namukadkad ang mga planong masasama laban kay mrs nuestro (timmy), maan, at ang walang katapusang paguusap tungkol sa issue ng chicharon.
27. ang research room. yung dalawa. yung aircon. yung rooms na lagi mong makikita si mam carmona na nagdadala talaga ng sunshine kapag ngumiti kasi super dalang ng smiles.
gusto ko ulit maghighschool..
No comments:
Post a Comment