Kadenang Bulaklak

why do other people have more precious anger than mine?
that when they do, you feel something fragile dropped from your hand.
smashed to smithereens..

yung aso namin, nanganak na.. sampu. nung lumabas na lahat, dalawa patay. nung ikalawang araw, isa patay. nung ikatlo, dalawa. nung ikaapat, isa ulit. apat nalang sila! masaya ako kasi apat lang ang iisipan namin ng kung kanino namin ipapamigay. sanay na kami kasi lagi namang may namamatay.

nung una siya nanganak, tuwang tuwa kami. maganda kasi siyang aso. completely white maliban sa orange na circle sa likod. mukha tuloy flag ng japan. tas may konti ring orange dun sa ulo. may spots pala siya sa katawan. i mean, naka-embed yun sa skin niya. lola niya ata eh dalmatian. at nalahian ng askal.. askal na rin siya.

tuwang tuwa kami at pinair pa namin siya isang pure breed na lalaking aso na pet ng kapitbahay namin. parang golden retriever yung asong yun. askal lang pala yung amin. pero cute. ikukulong namin silang dalawa dun sa kulungan ng lalaking aso. mating season nun pero kahit ikulong mo sila eh di sila gagawa ng live show. ewan. virgin pa kasi si girl. at yung boy, siguro. gentleman. (or gentledog). nakatitig kami sa malayo kasi baka nahihiya nga lang. wala. hinayaan namin na nakakulong sila for most of the day. lalabas sila para magpoopoo. siguro kapag gabi lang sila naglolove making. yung madilim. hihi.

wala kaming nakita. nabwisit kami sa kawalan ng sex life ng mga alaga namin. minsan pipilitin pa namin na pumatong yung lalaki sa likod ng babae. pero aalis din siya. minsan pumatong ng matagal. tinulak tulak namin yung likod ng lalaki para marealize niya kung ano ang dapat niyang gawin. na-arouse naman siya! haha. kasi nakita namin yung toot niya na naging toot. pero umalis rin. gentledog talaga! ilang beses naming inulit yun pero wala. we gave up. siguro next mating season nalang ulit.

months passed.

lumaki yung tiyan ng aso namin. himala. akala namin eh wala na. tsk tsk. parang yung scene na nakita ni daddy ang pregnancy test ni ate na naging pink. edi masaya kami! yun yung mga bihirang panahon na pedigree ang ipapakakain namin sa kanya at hindi kaning aso. baka tumaba lang.. kasi masyado niyong inalagaan eh! hindi yan buntis!. sabi ni mama. nalungkot kami. baka nga hindi buntis..pero sige, pedigree parin. pero hindi naman lumalaki ang tiyan constantly diba? at hindi lalabas ang kung anong yellow fluid dun sa pwet niya. kadiri yun. kailangan namin i-mop yung floor lagi.

nung alam naming manganganak na siya. yung pinsan ko, kasi super love niya yun, binantayan niya yung aso sa kanyang labor. haha. tapos nung nanganganak na, hindi marunong yung aso namin kung pano putulin yung pusod. e kasi hinahayaan lang niya yung pusod na nakakabit parin. di niya tiningnan yung kung ano na lumabas sa toot niya. edi yung pinsan ko pa ang nagputol. tas inalalayan pa niya ang aso namin sa panganganak. kumadrona ba.

yung unang lumabas, kamukhang kamukha nung golden retriever! mahaba tas kulay orange. aba! nagbunga rin pala yun. patay yung tuta. yung second, yun yung kamukha ng aso namin. yung third, ganun din. ewan. basta yung pampito ata o pangwalo eh patay rin. tas yung dalawa.. yung pangapat ata at panganim, kulay black. di namin alam kung san galing. nasalisihan kami! kaninong anak yon!? cute naman kaso wala yun sa jurisdiction namin yun ah. ayaw niya ata sa isang gwapong aso. gusto niya, yung barumbado. askal. rrrrr. yung mainit kasama sa kama.

ayun.. out of eight. six ang buhay. namatay yung precious. nung second day, dun na niya narealize na anak pala ang tawag sa mga yun. di na namin siya malapitan. kasi laging galit. gusto siya lang ang may hawak sa anak niya. huhu. naging rebelde. nakakatakot.

yung kapitbahay naming may libro ng mga pamahiin (kabisado niya kasi halos lahat eh), sabi yung unang set daw ng aso na ipinanganak ay dapat ipamigay. kasi kung hindi, mamamatay yung nanay at yung mga anak. may proof siya. yung pinsan niya na kilala naman ni papa. ang cute pa naman. eh si papa, gusto ata ipractice ang lahat ng pamahiin kasi para "cool", pinamigay namin. kahit yung bunso kong kapatid eh umiiyak. kahit yung pinsan ko eh ubod ng galit. ang mga tuta na may fluffy na balahibo at ang taba taba, nawalay sa kanilang magulang.

parang ang pelikulang kadenang bulaklak ni angelu de leon, donna cruz at vina morales. paborito ko yun noon. kakaiyak eh.

siyempre hinanaphanap ng bitch ang tuta niya. umiiyak iyak nung di na niya makita. wawa naman. at kung may maririnig siyang umiiyak na tuta (kami yun, gumagawa ng tunog ng umiiyak na tuta), iiyak rin siya. hahanapin niya.

nawala na ang kanyang motherly nature nung ikalawang set of tuta. yung pinsan ko, pumunta sa cyprus. may instinct na siya! marunong na siyang gumupit ng pusod. pero hindi na namin siya pinakulong kasama ang golden retriever. siya na ang pumunta sa golden retriever para magpatoot. siya na ang lumabas sa kalye para magpatoot. kahit sinong aso. basta masatisfy ang urge. ok lang sa amin. bitch siya eh. hehe. cute pa rin ang mga tuta at may mga namamatay pa rin. inampon namin yung isa, kasi green yung eyes (cool noh?) at pink yung nose (bihira lang yan.). dalawa na sila! nung succeeding mating season, nakikita namin silang magkadikit. dahil dun, tinali namin yung lalaki. umiyak naman. kasi marami pa siyang testosterone na kailangang ilabas at di niya magawa. pinoprotektahan niya yung babae sa ibang aso. gusto niya siya lang. bad! dapat ishare! overprotective!

pangit na yung ikaapat na set. mga payatot na. nahirapan nga kaming ipamigay kasi.. sino ba naman ang magkakagusto sa mga payatot na tuta? ganun na rin yung succeeding sets. siguro kasi wala ng pedigree. ayaw na namin. nawalan na kami ng gana. nawala na ang precious. nadala na rin kasi kami nung dalawa yung aso. mahirap pakainin. kasi hahatiin mo pa yung tira tira. tapos dalawa pa yung hahanapin mo kung naglakwatsa sila.basta! pangit yung dalawang aso. pero sabagay, may dalawang excited na sasalubong sayo pauwi. with their tails wagging as if to throw away. at kung umaga eh may naghahatid sayo hanggang labasan. kunwari nagpopoopoo pero ang totoo, sinusundan ka nila. para daw ligtas ka. sweet. i felt the love of a best friend.

di pa to tapos ha. naghahang kasi yung computer eh.. tas antok na ako.

No comments: