hihi. expected na siguro ng mga tao kung tungkol saan ang post na ito.
i woke up very early nung first day ng registration. nagising ako ng 4. stretching. kain ng marami. sabi ni mama kain daw ako ng maraming carbohydrates para strong ako sa buong araw! well.. fine. parang lunch na nga yung breakfast na yun. 2 cups of milo pa. (kailangan pa bang isama to!?)
fast forward..
edi asa engineering na ako ng 6:30 ng umaga. fine. sarado pa yung enlistment ekek. nakita ko rin yung tooot ni anali dun. naghihintay din. naghintay ako dun sa engineering theater. kasi sabi po nung mighty handbook na pinakalat ng isang fraternity eh asa eng theater nagaganap ang lahat. oh! how mali pala it is. naghintay ako dun pero bakit walang tao!? bakit walang dagsaan? construction workers lang.. darn. asa dept of chem eng pala yung hotspot. edi tambay ako malapit. dami ng tao!! haba ng pila. sige.. hintay. di pa naman nagbubukas eh. 8:00. bukas na.. 9 na nga ata yun eh. may pinamimigay palang numbers. yung katulad sa mga bangko. tatawagin nalang yung number tas pasok. haaaaaay. ako naman eh walang powers sa pagiging fc kaya ayun..
116 na yung nabunot ko. kagulat noh!? ako rin.. shempre.. nagulat. i mean. NAGULAT. buti nalang 82 pala yung start. so pang 34 ako! eniwei.. malapit na rin naman yun. pero hindi! ang aga ko tas yun lang!? kasalanan ko naman eh kaya ok na rin. fine ulit. nakuha ko yung subjects na kailangan ko daw i-manual enlist. math 53 at chem 17. (see previous post kung bakit.).
punta sa chem para magenlist. sarado. sige.. math nalang muna. math maath math math math. nasaan ang enlistment rooms!!!?? sabi third floor daw! eh wala naman ah! nagkaroon pa ako ng bagong kakilala. hehe.. actuali eh classmate ko siya sa chem 16 ko dati pero di ko siya pinapansin. basta. wala yung enlistment rooooooomsssshh.. balik sa chem. ayan! bukas na! pila pila pila. di naman ganun kahaba kasi onti lang naman ATA ang kumukuha ng chem17. hintay lang. si edgie naunahan ako! nauna ako ng ilang milya ata dun sa department tas nauna siya sa akin sa chem. hmmp. ayun. si edgie ay chem eng din at fellow freshie. eniwei.. nakuha ni edgie yung class na yun tas somewhere after her inimpose ang tricoll. balik nalang daw sa wednesday at may 72 slots pang naghihintay. sure daw yun. wawa naman ako. hehe.. basta! nawala ang tuwa ko kay sir paulo nung innannounce niya un. balik sa math. waw! may enlistment na! kaso STRICTLY imposed yung a-k at l-z scheme na base sa apelyido. balik daw kasi nanninigaw talaga yung asa math kung pumila ka tas yung apelyido mo eh padasas. FRESHIE BA AKO!? ASAN ANG POWER KO OVER THOSE THINGS!? HINDI KO BA KAYANG TALUNIN ANG TRICOLL? EH HINDI NA KAMI PRIORITY SA WEDNESDAY EH! PINAGLALABAN NIYO KAMI SA ISANG ARENA KUNG KAILAN WALA NA ANG AMING KAKAYAHAN PARA LUMABAN.
nanggigigil ako. pumunta kaming cs para samahan si kate. naghanap ng ge sa cs auditorium at yun. wala rin silang napala. hehe.. i mean sila ruth, kimie, yuri. napunta na rin sila sa ins of bio. ang cute ng building na yun. ewan basta.. ang cute nung mga asa bote ng mayonaisse tas nakalublub sa tubig.
kumain kami sa jollibee after checking my scholarship with dost at maghanap ng ge para kanila ruth. ang sikip sa jollibee! parang divisoria. balik sa math. ayun! merong enlistment! kaso nalate ako ng 30 minutes? vital na super pala yun? at ang pinamimigay lang nung start palang eh 3 slots per section sa math. darn.. paano kaya yun noh!? PAANO!!! di rin ako umabot. kinausap ko siya at sabi bumalik na rin daw ako sa wednesday. at aabot pa daw yun sa 35. sige.. asa pa rin. mabait naman siya eh. always smiling kaya.. sige.. that person there gave me 50 tons of hope. bumalik nalang ako sa engineering para kumuha ng form5. para at least may magawa ako kahit konti. nagfillup ako ng form5 tas sinundan sila ruth na maghanap ng ge from the mst domain. hehe..
inikot nga nila ang buong up eh. from as, puntang math for math2. WALA. puntang cs for natsci. ayaw ni ruth tsaka. WALA. puntang NIP.. sila yung gumagawa nito ha. nung mga panahong to eh asa OUR ako para kumuha ng appointment slip sa id. pumunta silang new NIP. yung mas malayo sa math building. hehehehehehe.... super layo nun diba? on foot pa nila ginawa yun. tas wala rin pala dun. kasi asa OLD NIP BUILDING ang enlistment for physics 10. di man lang nila nasubukan yung elevators sa virgin na building na yun. pumunta silang DEEE. ung tahanan ng mga electrical engineers para sa eee10. yung ge na under sa kanila. WALA. ubos yung slots. pumunta sila sa old nip building.. dun sa pav4. WALA. wala ng slots para sa physics 10.
bumalik kaming as lobby. matatapos na si kate nun! bayad nalang ata. sila ruth ay pumunta sa villadolid hall para sa envi sci1. ge rin. tas WALA. tas mbb. WALA. ubos na rin. kasi naman noh. di ka pala dapat umasa sa mga subjects kapag hapon kasi sure na na closed yun kahit anong araw kaya dapat andun ka kapag umaga. pumunta kaming sm through taxi. ako. medyo lanta pero masaya parin kasi i still have the 50 tons of hope. sorry ulit kila kimie kasi di na namin sila nasundo kasi sumabay si daniel sa taxi. they have to cross the huge field there near the oblation tuloy ng dusk. (nyak. konyo.) katakot nun! baka may ligaw na ahas o kung anong engkanto. nyahahahaha.. ah basta. sm kami para magpalamig. umuwi at umasa na bukas.. enrolled na ako.
well.. hanggang dito muna. mas exciting yung next days! ang sakit na nung daliri ko eh.
bibitinin ko muna kayo. hehe..
Registration I
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment