Dumb Questions and Dumberer Answers

may sagot akong nakita sa tanong na..

ang uod ba pag namatay eh inuuod din?

A: ang tao ba pag namatay eh tinatao? siguro ang uod ganun din. ang tao pag namatay eh inuuod. siguro ang uod pag namatay eh tinatao din noh?

hahaha.. nakita ko sa isang bintana sa math building. pinost ng isang prof. marami pa eh.. others are:

bakit ang highway eh hindi naman mataas?

A: para may mapaglagyan ng skyway

bakit may lock ang pintuan ng 7-11 kung bukas naman ito 24 hours a day, 7 days a week, 365 days a year?

A: may isang sagot na mahaba.. di ko namaalala. pero yung isa pang sagot eh: may leap year.

ang mga sasakyan ba pag dumaan sa flyover eh lumilipad?

A: hindi sila lumilipad sa flyover. lumilipad sila sa TAAS ng flyover. di mo lang nakikita kasi nasa taas mo yung ibang sasakyan. eh pag tumingin ka sa taas eh ceiling lang naman ang makikita mo diba? at alam kong walang may kung anong kakaibang sasakyan na walang bubong sa inyo kasi di naman kayo mayaman. at kung may iba pa kayong dahilan eh.. pilosopo na ang tawag sa inyo. ako lang ang pwedeng mamilosopo dito. magkaroon namankayo ng sense of humor!

hehehe.. somewhat like that.

may iba pa eh. tingnan niyo nalang yung room ni musngi. sa 2nd floor.

Ask a dumb question and you'll get a dumb answer.

No comments: