Free Me From Jeepney(s)

ayoko na magjeep. ayoko na pumuntang up para pumasok at ayoko na rin umuwi mula dun. ayoko ng jeep.

simula nung tumaas ang presyo ng gasolina (nyak. parang highly technical ang pupuntahan nito), dumami na yung smoke belchers. ewan.. basta.. nakakainis. gusto ko na i-inherit yung kultura ni mam rodriguez na scarf para kung may usok eh itataas mo nalang sa bibig at.. tadan! iwas usok na! ayoko na magjeep dahil dun.. lagi nalang may jeep, bus (lalo na ung mga to), fx na ang lakas bumuga ng usok. ambaho.. err.. wala namang amoy. pero nakakasakal. nakakaubo. yuck! ang dumi dumi ko na rin tuloy ng pakiramdam ko pagpasok sa school. ahh..siguro napansin ko lang yung mga smoke belchers na yun kasi nung high school eh puro fx ako. at ginagawa ko lang sa fx eh tumingin sa magagandang tanawain o matulog. di na nakakarating yung usok sa loob. fx ako mula philcoa hanggang quesci then fx rin mula quesci hanggang bahay. ayoko na magfx mula sm hanggang bahay kasi.. 30 na. mahal eh. siguro.. feel ko lang na mahal yun. at yung mula philcoa hanggang sm eh 12 na. errrr.. basta.

isa pang dahilan kung bakit ayoko magjeep eh yung pagkakaroon ng walang matinong pwesto (malinaw ba?). halimbawa. gusto sa likod na likod. yung walang bintana at nasa tabi nung pintuan. kasi.. wala lang. feel ko na peaceful ang pwesto na yun kahit na laging may dumadaan sa harap mo. at kung matutulog ka at naiwan mo yung carefulness mo eh ang tendency eh magiincline yung ulo mo sa side. parang hihiga ka sa balikat ng katabi mo. edi kung nasa dulo ka.. isang side lang ang proproblemahin mo. ang ayoko sa pwesto na yun eh.. yung sisigaw ka ng pagkalakas-lakas para lang marinig ng driver ang mahiwagang "PARA!" o kaya "SA TABI LANG PO!" para kasing nagaannounce ka ng isang mahalagang bagay sa madla. titingin pa ang mga kasabay mo. nakakahiya tuloy. at kung di ka pa narinig nung driver eh lalagpas ka.. at maglalakad ka ng pagkalayo layo. na madalas mangyari sakin. ganun din kapag magbabayad ka.. "MA! BAYAD OH! PHILCOA LANG!" "SAAN!?" "PHILCOA!! ESTUDYANTE!" parang nagaanounce parin.. arrrr.. mas malala pa kung maarte ang driver at kinuha pa ang mahiwaga mong id para iverify kung estudyante ka nga. at pagpapasa-pasahan yun hanggang umabot sa driver para titigan ang cute mong mukha. pagbalik sayo.. either delapidated (tama spelling?) na. o sobrang dumi. haha.. yuck. pero may advantage rin yun!. sisikat ka! makikilala nila na ikaw si Ambrosia Dela Macasupac ng UP DIliman. waw! impress pa sila sayo! "uy! up siya oh!" "talino naman.." at ikaw.. nakataas noo.

maganda rin sa likod kung wala kang pera. madaling bumaba pagkatapos mag-1-2-3.

sa gitna ng jeep. yung sa tabi ng bintana. ayoko. ayoko. ganun din kasi.. sisigaw ka rin. pero mas malala kasi. masikip kung puno. di tulad nung dulo eh sa isang side lang masikip. kung maaraw at di umuulan. bukas ang binatana at linalanghap mo ang sariwang polusyon na galing sa ibang sasakyan. yuck. eeew. dumi dumi. kung umuulan naman eh. basa ang upuan mo at ikaw pa ay sasali sa isang bayanihan para ibaba ang takip ng bintana. hayy.hustle. pinakaayaw ko sa gitna.

kung sa harap naman. dun sa likod ng driver. you do get the comfort of being away from polusyon and the sigaw sigaw thing. pero ikaw naman eh magaact as voluntary kundoktor ng jeep. ikaw ang magbibigay sa driver ng lahat ng bayad ng lahat ng pasahero kasama na rin ang lahat ng sukli ng lahat ng pasahero. haaaa.. epal noh? dumi kagad ng kamay mo. prone ka pa sa sars. hihi.. basta.. di ka rin makakatulog kasi nga kundoktor ka for the day. kung di narinig nung driver eh bubulungan mo siya kung ano yung sabi ng pasahero. pero madaling magpara kasi bubulungan mo rin siya ng iyong matamis na "para..." . okei ang pwesto na to pag nasa philcoa to up ka kasi merong konduktor bago ka sumakay ng jeep. that is, bayad muna bago sakay. ayoko ng pwestong to.

sa harap. dun sa tabi ng machong driver. yuck. ito ang peborit. maliban nalang kung nandun ang assistant ng driver sa pagsukli at pagsigaw ng "QUIAPO! CUBAO! ANONAS! C. HALL! HIGH WAY!!!!" nakakabingi. pero mas comfortable naman kaysa sa dun sa likod. mahirap sumakay sa isang jeep na bakante ang harap. malalate ka lang. late ka na nga eh.. magpapalate ka pa lalo. wag na! hihi. maganda rin sa harap yung added feature na mirror. bago ka makarating sa school eh naks! pogi! kahit marumi dahil sa usok. hmmp. di naman ako mahilig manalamin.

sumabit ka nalang kaya. pinakawalang marereklamo.

bago ka sumakay ng jeep eh dapat kilatisin mo muna yung driver. kung napansin mong mabagal siyang magpatakbo at mahilig mangakit ng customer eh wag sumakay sa kanya. matagal pa yun makakarating sa paroroonan. aabot pa kayo ng isang oras sa kahihintay na mapuno yung jeep lalo na sa sandigan. uy! naranasan ko yun ah! natulog nalang ako para di ko masyadong ramdam ang inis. nakakainis ang mga ganung driver.. nagmamadali ka na nga eh ang bagal bagal pa. eh bakit kasi nagmamadali? late na naman? bat di mo inagahan? bakit ba! piliin mo yung jeep na mabilis tumakbo at mahirap parahin.

masarap sumakay sa isang jeep na mabilis magpatakbo. ang sarap ng hangin sa may up banda. ang saya pa kasi may thrill. haha.. ginawang rides. hihi..

ayoko magjeep. sana pwede akong magbisekleta. kaso di ako marunong at aabot ba ang gulong nun mula bahay hanggang up? mas mahal pa ang babayaran mo para bumili ng bagong gulong.

pero masaya ako kapag nagjejeep. i feel like i am really a filipino.

pangit rin pala yun. ayoko na talaga magjeep!!!

No comments: