Battle of the Bonds

alam niyo yung pakiramdam na may nagawa na kayo tapos biglang nawala kasi nagloko yung comp? kakagaling ko lang dun! dito.. garrr.. kakagawa ko lang ng post ko.. mahaba haba n yun tapos biglang nawala kasi nagloko nga.. at ewan.. gumagana ba yung recover post feature ng blogger? bwisit.. sakin hindi eh..

ayun nga.. (baaaah. its like telling it all over again to a diff. person).. sabi ko kanina... pumunta sila sa cheering sa quescii.. (ayan.. nawala na tuloy yung essence..) at nanood sila. tapos. dumating kami nila yuri dun ng eksakong natapos na yung cheering. nyak. nagtaxi p nman kamii.. sosyaaaaall.. bwahaha. eh basta. nagattend prin ako ng lab ko kasi may quiz at mas gusto ko yung lab kasi di naman sasali ang 06 kasi (argh! ganito rin to kanina ehh!!!!) yung research nila eh mabigat. ayun..!!! basta!! MAHABA PA YUN!

HAPPY BIRTHDAY RUTH!!!


basta nasingit yang happy birthday somewhere... ayun.. dahil.. pakatapos ng cheering eh pumunta kaming kfc sa annex kasi birthday ni ruth! libreee baaaaaa.. you knoooooowww.. bucket meal! kumpleto kamiiii!!! maliban kay anali... kay naku.. it was a perfect moment to be complete pero wala si anali kasi may kinacram sila sa socsci.. sa up pa sila ng mga 5:30.. akala nga namin eh napariwara na kasi yung crush niya eh may may jowa na... alam mo na.. ang laki ng tendency na maganun si anali.. hahahaha.. di pa niya sinasagot yung phone niya. halaaa... haha. kumain.. nag-stop rewind. na ubod ng saya. kumain. at umalis na si ruth kasi basta.. gusto na niyang umalis. haha. pagkatapos umalis ni ruth eh eh dumating na si anali at kinain niya ng fried chicken chilled to death.. ang lamig na kasi.. tuloy yung stop rewind.. feeling ko nansense na tong mga pangyayaring to kayaa.. fast forward!

asa school na kami.. ang mahal na alma mater. tutugtog daw DAW ang spongecola.. nachismis nung mga early days of september. pero hindi tuloy.. basta.. may story dun. tanong niyo nalang ako. edi... cueshe nalang.. at least meron.

isang xientian band ang nagprepepare nun nung pumasok kami.. eh basta.. magaling naman ang mga tumugtog.. yung iba sa kanila lang pla... yung iba pasikat laaang. wahaha.. yung iba eh marami lang fans kaya ganun... mga 2 or 3 yung malinis.. what i mean of malinis eh yung silicon carne-ng type ng tugtog (uuuuuyyy! flattered naman sila!).. tapos yung kalinisan pa ng tugtog nila eh di pa ganun kataas.. kaya medyo di ganun katuwa. masaya yung mga foreign bands. mga alumni bands! astig yung batopik! ang ganda nung mga originals nila. syang sila joy.. bat di tumugtog.. tapos.. padrinos ba yun.. pardinos.. arrr.. ewan.

di naman talga kami nakikinig eh.. nandun lang kami sa values garden. (may values pa ba?). nakaupo.. nagkwekwentuhan ng kung anoo ano.. i acknowledge pala da presence of mr. carlo cruz! complete with the perfume na amoy mula sa malayo. haha.. naalala ko pa.. kasi first time ata ni carlo na magpabango. abaaaaa... ang silent boy na wala namang hilig sa mga ganun eh pumunta! astig! tuloooy... andun kami sa jail booth. ginagawa naming arena for wrestling.. hahaha..

umalis pala si kimie.. pmunta dun sa secreeeet. tannong niyo nalang. tapos bumalik rin siya. ng medyo naliligaw kasi akala niya kikitain niya kami sa figaro dun sa may sm eh nawala na kami dun kasi ang mahal ng kape.. in other words, nawala rin yung plano naming overstay sa isang coffee shop. pagdating ni kimie eh aalis na si angeline. waaahaha.. di pa kami mabubuooo! bwisit!.. pero ayun.. nakahintay sila mrs. johnson at nakapagpapicture pa kami bago umalis si angeline.. haha.NAKUMPLETO RIN KAMI SIMULA GRADUATION! waaaw. nagtagumpay si ruth na kumpletuhin kami. kahit split minutes lang (hindi split seconds kasi minuto rin yun noh..) eh nakumpleto kami!.


cueshe. di ko type. pero cute yung isa nilang kanta.. oo nga! tama yung kung sino man yung nagsabing yun na mukhang member ng masculados yung lead singer. 12;00 n sila nagperform at ang onti n nung mga taooo. wawa naman.haha. di puno yung covered court. puno yung bandang harap lang.. eh di na exciting yung part na yun kaya skip! skip!

umalis kami sakay ng kotse ni carlo... waaahhaa! astig! medyo kaskasero nga.. pero okei na yun! exciting nga ehh. hehe. SALAMAT! ano kaya dahilan nun kaya pumunta siya.. hmm.. nagpahatid kami hanggang dun sa labasan sa kanila kate. nagovernyt kami dun..gutom na akooo. sa susunod ko nalang itutuloy kung meron pa akong oras.


cheering kinabukasan.


sayang yung nauna kong nagawa.. mas may sense yun ehh!!! barararararrr...

No comments: