My Half-Blood Prince

favorite subject ko na ngayon ang philo1. tapos na ang panahong mala-trelawney class ang tinitiis ko. tapos na ang panahong matutulog lang ako at mamomroblema kasi wala akong alam na diniscuss. pero okei lang kasi yung exam naman namin eh haos walang relasyon sa tinuro. tapos na ang metaphysical discussions na di ko alam ang patutunguhan --> parang divination.. nanghuhula ka ng kung anong tama. gaaarrr.. mga discussions na nagdidiscover ng mga underlying principles behind reality and truth.. how a man should think a what do you do when you define. the genus.., blah blah blah.. tulog na ako pagkatapos ng words na yan.

bago na kasi ang lesson namin. symbolic logic. sheeeeeeesshh.. ngayon eh gising na gising na ako. at alam kong may sense ang pinagaaralan ko. at dahil na rin kay irving copi. ang author ng librong hiniram ko sa library na ang title eh symbolic logic. yung librong yun eh 1965 paaa.. asteeeeg.at dahil sa librong yun eh mula "troll" naging "outstanding" na ako sa philo 1. nakapagrecite din akoo! at yun yung recite na masasabi niyang very good. kasi noon ang mga recitations ko lang.. ang sagot eh.. "yes" "define" "...". ngayon.. nakapagboardwork akoo!! napapansin na niya akooo! haha.. di naman sa di niya ako napapansin noon.. napapansin niya siguro ako noon kasi lagi akong tulog.

kung sino man ang naunang humiram nun eh siya ang aking half-blood prince. dahil sa librong yun eh magaling na rin ako sa philo. ang librong yun.. maraming doodles... parang half-blood prince..parang "tama ba?" "mas maganda kung ganito ehh.." tapos may nakasulat..na solution; may nakahighlight din.. kaya alam ko yung important notes. pero sa dami ng doodles eh mahihiya akong basahin yun sa school.. ang dumi ehh.. basta.. nakakahiya.

2. ang luma luma luma luma luma luma ng librong yun.. diba nga.. 1965 pa... 3. dahil sa librng yun.. ang divination eh naging potions class. dahil sa librong yun eh.. napapaaral ako in advance.. binabasa ko na yung next lessons kahit di na kasama sa syllabus. kasi.. wala lang. nakakatuwa.

peyborit ko na ang pilo-wan!

signs and symbolsss.. kung kailan marami na akong nakikita na positive eh saka naman ako di naniniwala.. baarr.

ano ka ba! mahal ka nun!

1 comment:

Anonymous said...

Loved the site. Very interesting reading :-) I like this site self hypnosis