pumunta kaming manila.. nyak. ang pangit na simula.
11:00 ang kitaan. 11:20 ako dumating. akala ko iniwan na nila ako.. na nakasakay sila sa kotse ni carlo. tapos umalis na sila kasi matatapos na ang klase ni angeline. at kailangan na niyang sunduin.. nagplano na ako ng gagawin.. pupunta akong gateway.. or glorietta.. o kaya susunod ako sa manila.. kahit di ko alam kung pano pumunta.. o pupunta akong up. iikot lang. ewan.. naghintay naman ako.
ng 25 minutes.. kasi 12:45 dumating si angeline. ha.. akala ko naiwan na ako.. maaga pa pala! hihi.. gulat nga ako. walang pasok pala si angeline. ano yun? dahil quezon city daY? lagi nalang may holiday sa uste. ano ba naman yan. dumating si kate (ang nagsuspend ng classes), si kimie, anali at finally.. gelene. umalis kami sakay ng isang fx at binagtas ang west avenue tapos ang napakahabang quezon avenue. (kailangan pa ba nito?) eniwei.. ang pangit ng manila. yung ano palang ha.. yung.. errr.. yung ano.. yung quiapo part. yung magulo. ung maraming tao. yung maraming tulay na kung ano ano.. basta.. ayoko. at sa kabila naman ang tunay na maynila.. ang puno.. ang lumang gusali.. napakafriendly.. at ang tulay na yun.. yung nagkokonekta eh parang tulay ng heaven at hell. nyak..ang sama kooo.
bumaba kami sa tm kalaw. naalala ko pa.. wala akong alam sa lugar.. kung nagising ako na nandun ako isang umaga eh instant iyak ang magagawa ko.."mommyyyyyy!!" sumakay kami ng isang jeep papuntang padre faura.. tapos dahil sa ka-ewanan ng driver eh lumampas kami! bumaba kami sa remedios st. --> 5 streets ang layo sa padre faura. nyak.. ang layo ng linakad namin. tapos ang init pa. ang polluted.. ang daming tao. at nung nakita na namin yung robinson's eh parang waaaaaaw.. ito ang bhunga ng ating pagsisikap. yun pala eh hindi.. ang daming tao sa robinson's at di friendly ang atmosphere.. mas maganda ang sm north. dumating kami ng four at wala pang naglulunch sa amin. salamat kay kate... linebre niya kami sa karate kid. parang tokyo tokyo pero mas sulit.. kasi refillable na yung rice.. refillable pa yung red iced tea.. wooooo.. astig noh?
ay naku.. tinatamd na ako.. sa susunod ko nalanf itutuloy..
Maynila: Ang Paglalakbay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment