Knowing the Unknowns

katatapos lang namin ng unknown analysis.. hehe.. madali lang naman pala.. masyado akong kinabahan.. ang saya!!!

inuna ko yung anion test kasi nagsisiksikan sila dun sa may cation end para kumuha ng reagents kaya dun nalang ako sa anion.. errg... nadissappoint ako nung nakuha ko yung solution na huhulaan ko. kasi clear.. eehh.. ang boring.. yung partner ko.. blue.. yung si lalilen eh faint green.. yung kay edgie.. eh medyo yellow na orange.. ako CLEAR. wala tuloy excitement even though na alam ko naman na pwedeng dye lang yung nagpakulay sa kanila.

tuloy sa anion test.. negative sa Barium nitrate test.. walang precipitate.. negative sa C-2 at sa C-3.. edi takot na takot na akooo.. bakit ganuuun? ehh pag walang nangyari.. most probable na nitrate ion ang nandun.. kaso.. nung sinubukan ko sa nitrate test eh walang lumabas na brown ring.. na dapat meron. ayuuun.. takot na takot ako.. inulit ko yung buong anion test.. wala pa rin.. WALANG BROWN RING! edi nagcation test na muna ako. negative sa copper. negative sa iron (sayang! kasi cute yung effect kapag iron yung nandun.. magiging blood red or deep blue pag linagyan ng kulay green na kung-ano-man-yun). edi natitira nalang eh ammonium (ang hirap dito.. di ko alam ang subcripts.. ayan tuloy isususlat ko yung buong name!), zinc at calcium.. positive sa calcium.. kaso nung tiningnan ko ulit.. positive sa zinc. ang gulo nga eh.. basta! mahirap i-explain.

yun pala eh parehong nandun yung Ca at Zn. haha. naconfirm ko lang nung nagkaroon ng yellow precipitate at walang deep blue comlex nung linagyan ko ng copper nitrate. eh yun ang ginawa kong logic kasi ang haba nung proseso nung litmus paper thing. na may gas gas pa.. asus..isang anion pa daw.. inisip ko nitrate na yun.. edi pinerform ko ulit.. negative parin.. walang brown ring. inulit ko pa ulit.. wala parin. at nung huli.. may nakita ako! kaso.. imagination lang pala.. tiningnan ko kung thiocyanate.. hindi.. walang blood red.. ayun. linagay ko nalang na nitrate yun kahit wala naman akong nakita.. at TAMA NAMAN!!!. hahahaha.. tuwang tuwa ako.. kasi nanghula lang naman ako.. hehehe..

kawawa yung iba.. si edgie.. ayaw magpositive sa ibang tests.. nakuha na niya yung iron at nitrate. isa pa daw. cation. sinubukan na niya lahat kaso ayaw.. nagpepredominate ang iron.. parang inaagaw ng iron yung pansin.. halimbawa.. kapag lalagyan mo ng sodium hydroxide eh magiging red orange precipitate agad. hindi mo nakikita na may iba pang precipitate na medyo cloudy. negative sa copper.. or baka inisip lang niya yun.. negative sa zinc at calcium. haha. nakakatakot. negative sa lahat! eh ano yun? yun pala eh calcium... at hindi niya nakita na may ppt pala dun kasi nga epal yung iron.. haha..

nung umalis ako.. may natira pang dalawa ng inaalam.. goodluck!

tapos na ang peborit kong experiment.. haaaaay.. ang experiment na may maraming kulay.

ang ot ot ng post na to.. masyado lang kasi akong natuwa. brrr..

ay ay! papalit na naman ako ng skin.. grabeeee.. ang pangit nito.. di ko akalain.. nyak..

No comments: