I am Bothered

nagbababasa ako ng harry potter ngayon.. hihihi.. astig. soft copy. dinownload ko sa mirc. beh.. edi walang 1,500 na gagastusin.

may sulat na pinabasa sa amin noon sa philo1. sulat sa email na galing sa isang koreano. ang korea (south korea) ay isa sa pinakamahirap na bansa pagkatapos ng korean war. as in.. wala. ang pilipinas naman eh ang isa sa pinakamayaman mahal ng mga koreano ang bansa nila at awang awa sila sa kalagayan nito. walang gustong maginvest. kasi naman.. meron bang kikita sa isang lugar na walang matamnan ng halaman, walang minerals.. wala. wait lang. akala ko noon joke lang ni mam capinpin nung sinabi niya na kaya dito linagay ang IRRI ay hindi dahil maganda ang lupa sa pilipinas kundi dahil alam ng mga dayuhan na uunlad ang IRRI sa isang mayamang bansa. see? di ako naniwala.. kahit si mama nung kinwento ko sa kanya kasi di naman daw niya naramdaman yun noon. eh mararamdaman niya ba yun eh nagaaral palang siya sa elementary nun. at antique yun. oo nga.. mayaman nga talaga noon ang pilipinas.. kinaiingitan nga daw tayo ng mga koreano at gusto nilang maging katulad ng bansa nila ang pilipinas. kaya siguro maraming koreano dito sa pilipinas ngayon kasi akala nila mayaman parin ang pilipinas hanggang ngayon at uunlad ang buhay nila dito.

ayun.. nagsikap sila. pinatrabaho ng presidente ng korea ang mga engineers at iba pang matatalino sa ibang bansa at yung mga perang nakuha eh pinagawa ng factories.. ganun nila kamahal ang bansa nila. kahit di muna umunlad ang buhay nila bastaa ang bansa eh maunlad. nagstate visit ang pangulo sa germany at tanong ng tanong ang mga koreanong nagtatrabaho dun kung kailan sila yayaman. naawaa ng pangulo ng germany at pinahiram sila ng pera. edi tuwang tuwa sila. ginamit nila ang pera NG TAMA. at tingnan mo ngayon.. tayo naman ang naiinggit sa korea.. ang yaman na nila ngayon.

sabi nung sumulat.. ang wala daw sa pilipino ay:

1. love of country. selfish ang mga pilipino.. lagi nilang iniisip ang kanilang mga sarili. hindi na nila naiisip ang bayan. meron naman shempre.. pero iilan lang. ang mga mahihirap.. iniisip lang kung kailan sila yayaman. iniisip ba nila na tulungan ang kapwa kahit mahirap rin sila? ang mga mayayaman.. okei. may charities.. blah blaah blah. pero wala naman sila talagang paki eh.. iilan lang sa kanila.. ang mga pulitiko.. naisip ba nila kung ano ang magiging dulot ng pagnakaw ng pera sa pilipinas? naisip ba nila na ang katamaran nila sa pagpapalakad eh magdudulot ng kabutihan? ang dami ngang proyekto na nakasulat. wala namang resulta.. well.. isa nga sa major problem natin yun.. ang bobong pinoy in terms of leadership. a leader must be a good follower.. hindi nga eh.. mas maganda pa siguro kung nasa amerika parin ang government kasi marunong silang magpatakbo.. di tayo marunong eh.. di natuto. ang pilipinas ngayon ay parang isang matandang babaeng may ketong sa overpass sa may philcoa. may hahalik pa ba sa ganung kadiring tao? may tutulong pa ba sa kanya? kahit mahihirap.. di hahalikan yun. mayaman.. yuckk.. pulitiko.. hayaan mo siya jan.. yung mga matatalino.. tutulungan siya. pero iilan lang sila kasi yug ibang matatalino eh pupunta at hahalikan ang ibang babaeng mas malilinis, ang mga ibang bansa na mas kaya silang bigyan ng pera. kikita ba sila yung mamahalin nila ang ketongin?

2. love of God. nagsisimba nga.. kasi kailangan. para masabing may religious life. pero pumapasok ba sa utak ang mga sinabi? minsan nga eh indian pa yung pari.. kunwari nakikinig eh di naman. nakakalimutan kung anong sinabi. may mga donya patrociña (tama ba?) na ginagawang accesory ang religion. na ang sungit sungit naman sa personal.

gloria. gusto nilang mawala si gloria.. gusto nilang magresign siya.. thinking that her resignation is the only solution. eh daming katulad ni gloria jan eh. people think that gloria did made philippines' situation worse.. well. partly lang naman talaga. nabulag na sila sa kahirapan. at nung una.. wala naman silang masisi. kasi wala pa yang gloriagate na yan. pero nung lumabas yun . edi parang si gloria nga talaga ang dahilan. ilang percent ba ang nandaya nung eleksyon? i think more than 75. yung iba.. di lang alam na nandaya sila kasi yung mga fans niya ang nandaya.. di naman nila masisi ang oil producing countries. kasi duuuh. paano mo patatalsikin sa pwesto yun? with that freakin oil eh tumaas na lahat.. lahat na.. kahit sine. masisisi mo ba sila? ang mga arabong yun? pero kahit na! kailangang may sisisihin.. kasi lahat eh may dahilan. at dapat ang dahilan eh magbayad.. parusahan. si gloria daw ang dahilan.. duh.

pag umalis si gloria.. titino ba talaga tayo? yang transition government ba eh hindi pamumugaran ng pulitikong may sariling interes? yang transition government ba eh katutuwa ng mga negosyante/investores na inaasahan natin kasi sila ang nagdadala ng pera dito. dahil di tayo makagawa ng sariling negosyo. kasi ang made in the philippines eh bulok.

gloria should stay pero sobrang hirap. feeling ko nadala na siya dun sa kadayaan na ginawa niya. feeling ko nakonsyensya na siya. marami siyang proyekto though wala na atang maniniwala sa kanya. mahirap nang magpatuloy..

rallyists are just making the situation worse. ang phisix eh tumaas na.. ang peso value eh umuunlad. nung nagkaroon ng mega rallies eh bumaliktad. in a steeper slope pa. yung mga "concerned" citizens ba na yan eh inisip muna ang kahihinatnan nun? concerned daw. iniisip lang nila ang sarili nila. iniisip nila na yayaman sila pag nawala na si gloria. tapos yung mga pulitiko ginagatungan pa. para sila naman daw.

yung impeachment. matatapos ba yun? di pa nga tappos yung kay erap eh.. di naman siya angresign pero nawala siya sa malacañang. baka maunahan pa ng termino ni gloria ang end ng impeachment. kaya nga sangayon ang malacañang dun eh. kasi pwede nilang pabagalin. influence influence.

ang mga raliyistas ay:
1. mga mahihirap. na medyo may isip.
2. mga estudyante na may pagkaradikal.
3. mga gusto lang ng experience.. daaaahh!!! nainis ako kila kimie na gusto nilang magrally for the sake of experience eh diba nagdadagdag lang kayo ng gulo. bawasan ang support eh magpapawala rin sa mga raliyistang yan.
4. mga mahihirap na binigyan ng noodles.. corned beef. sardinas.. bigas.. blah blah blah.

sa susunod ko nalang itutuoy.

2 comments:

renzo pogi said...

c gloriang macapal ang ulo naman ay mandadaya,, sinuhulan ako nyan ng 5000 pesos iboto daw namin sya

hello there said...

3 years ago, hindi natin akalaing magiging isa ako sa kanila.

hehe.