itutuloy ko ung naputol na post..
eng 1. ang alam ko sa english 1, you'll learn about grammar. as in. puro grammar. sabi nga ng prof eh puro grammar ang midterms eh. at kung merong lit or essay eh paragraph construction lang. eh bat niya kami pinapabasa ng short stories? at pinapaanalyze pa niya.. ano kaya yun. at ang essay eh gaaattteribleeeeee... ang damiiii. ang diagnostic eh essay. ang project eh 2 essay on something and a thesis statement (parang abstract.. or background of the study.) tapos yung 2 essay eh may mga drafts paa. 1st.. 2nd.. 3rd.. brrr.. ang hirap ng basic college english. kinuha ko nga kasi bano ako sa english eh tapos ganyan? enewei. may groupings na kami. at akala ko eh puro higher years ang groupmates ko kasi ang lalaki (biggie!!) nila. yun pala eh puro first yrs ang mga yun. sa sobrang pagka overwhelm (tama spelling?) eh pumayag ako na ako nalang ang magreport sa fridayy.. niyiiiii.. kasi akala ko bubulihin ako ehh.. pero okei lang. halos wala naman akong contribution eh. nyiihi.. ang maganda sa english 1.. hmm.. nasa tabi ako ng bintana at masarap ang pakiramdam na malapit ka sa mga treeeees.. yak.. mukha akong kapre.
philo 1. out of the 6 ata na klase namin in philo 1 since start of classes eh apat dun. tulog ako. hihi.. kakaantok eh.. tapos magugulat nalang ako na ang haba na pala ng nadiskas.. basta.. pero masaya. akala ko noon eh mabuburyong ako sa kakikinig ng mga gawa ng plato.. socrates.. aristotle.. at kung paano nila pinresent ang kanilang "theories about reality". well, hindi naman kasi namin inaalam ang biography nila kaya hindi rin boring. medyo ot ot nga lang ang prof kasi ang bilis nung mata.. alam mo yun.. ang laki tapos. minsan eh liko sa kanan.. liko sa kaliwa.. then uulitin niya yun five times!! ang bilis paa.. huuuh? ang wirdo rin niya magsalita.. ahhmm. ahhm. aa aristole blah blah.. he he heee formulated thee the .. basta.. pautal utal na fluent.. weird. pero masaya.. dahil dito.. magphiphilo11 ako next sem.. tanong ko nalang sa adviser kung pwede kumuha kasi wala na akong g.e. na para sa SSP. english lang.. bwisit.
chem 16 - lec. okei lang.. yung piagaralan mo last year at last last year sa quesci. masaya kasi advanced ka. pwedeng di makinig.. ito ang cramming time ko kasi minsan di ko nagagawa ang prelab para sa lab at yung mga postlab.. mga sasagutan... medyo out of place ako dito kasi wala akong kilala. kaya kung wala pa ang prof eh nagbabasa ako ng handout kahit ayoko. tapos kung may klase na (hiwalay ako sa crowd..) nakakalat ang mga gamit para sa lab.. hihihi.. masaya kasi magcacram lang ako dun. o kaya eh matutulog at hindi magwoworry na.. oh no.. nakatulog akoo! di ko pa naman alam yung lesson! ang layo pa nung room. yun nga.. nasa prev post ko.. hanapin niyo nalang. ang prof ko.. mukhang bading.. pero hindi bading. ang porma nga ehh. astig ang mga suot. pero nasa build niya ang isang bading.. ewan.. bat ko ba naisip yun? mabait namaaaan..
wala pala akong prof na terror.. yeah!
sa susunod nalang ulit.. tinatamad na ulit ako.
nagkaroon na ng kakaiba sa aikido.. marunong na akong magtapon ng tao!! nyak.. pero yung roll.. forward at backward the aikido style.. di ko maintindihan. at ang dami ng babae sa room eh patuloy na iniinsecure ako.. kasi mas malakas pa yung iba kaysa sa akin. okei sana kung puro lalaki at ako yung pinakamahina.. hindi ehh... ang sama ko sa mga babae..
ssshhh...
Akademya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment