A True Story

sa isang malayong kaharian, may isang kawal na naghihintay para sa pagpresenta ng hari sa kanyang anak na prinsesa. nang dumaan ang prinsesa ay agad na nahulog ang loob ng kawal sa magandang babae. lagi niyang sinusundan ito simula noon ngunit hindi siya magkaroon ng lakas ng loob para sabihin ang kanyang narararamdaman.

dumaan ang mga araw at ang prinsesa ay tumanggap ng mga manliligaw mula sa ibang kaharian at natuwa naman sa bawat isa ngunit walang nagpaibig sa kanya ng tunay. nagtapat ang kawal at sinabing di niya kayang mawala siya (ang prinsesa) sa kanyang buhay. sinabi ng prinsesa na kung totoo ito sa kanyang nararamdaman ay maghintay siya ng 100 araw sa ilalim ng kanyang bintana. pagdating ng ika-100 araw ay magpapakasal siya dito.

naghintay ang kawal. isa. dalawa. tatlo... limampu't apat... pitumpu... naghintay siya kahit maulanan, mabilad sa init ng araw, maiputan ng ibon, magutom. ang prinsesa ay pinapanood siya nang nakangiti.

dumating ang ika-siyamnapu't siyam na araw. gutom na gutom na siya. di siya natutulog kaya ang antok ay unti unti siyang pinapatay. ang pagod ay napakataas at ang pawis ay pinapaliguan siya. di na niya kaya at ang prinsesa ay nanonood lamang.

at sa gabi ng ika-siaymnapu't siyam na araw ay umalis ang kawal at umuwi sa kanilang bahay.

bakit siya umalis? gayong matatapos na kinabukasan..

umalis siya kasi alam niyang hinding hindi siya mamahalin at hindi pwdeng pakasalan ng prinsesa kahit matapos niya ang pagsubok. at kung magpatuloy pa siya eh mas lalo pa siyang masasaktan kung malaman niyang hindi siya pwedeng makipagrelasyon. masakit malaman ang katotohanan pag nanggaling sa minamahal kahit alam mo ang totoo.

nahuka ko sa stained glass. yung last episode. binago ko ng konti ang exact text kasi di ko naman memorize yun.

hmmmm.. ayoko ko kasing maglagay ng kamushyhan dito.. nakakahiya..

nakakarelate ba ako? hmmm ulit.

there are things that are and should be impossible.

No comments: