The Great Depression

this is very much terrible..

ewan ko kung anong nangyayari sa akin pero sobrang depressed ako ngayon. yung di na normal. sa totoo lang nagsimula to since the up week. yung week na puro up ang mga ginagawa.. alam ko yung dahilan pero nagsisinungaling ako sa sarili ko.. kunwari di ko alam. kabaliwan noh? nakakainis...

ang moody moody ko na.. siguro ito na yung second stage pag bore na bore ka na sa buhay mo. nagiging moody.. as in sobrang moody. ang tahimik ko. di ko na pinapanood ang mga paborito kong tv shows. tulog ako up to 12:00 ng tanghali. kakain ako ng lunch at babalik sa kwarto.. tititig sa kawalan.. oo titingin sa malayo. malalim ang iniisip. sa akin nalang kung ano ang mga yun. gising ako hanggang 2 ng madaling araw. naghihintay ng mahiwagang tatawag sa akin.

di ako to.. hindi ako moody. sabi ng kapatid ko.. may sakit na ata ako. hmmm..

ang lungkot koooooooo.. this depression is very much deep.

im missing you all.

pumunta pala sila sa surprise party ni carlo cruz nung tuesday. belated happy burday!! di nila ako sinama. pero okei lang.. di naman ako close dun. maiilang lang ako. pero sana kung nagsm sila nung araw na yun.. sinama nila ako. maghihintay ako sa club synergy.. kakausapin ko si manong guard at bibigyan nia ako ng free credits. manonood ako ng sine. hihintayin ko silaa.. basta lang makaalis sa bahaaayyy!!

No comments: